01

7 1 0
                                    

01=FRIENDSHIP

I have the life that every people will never wish to have but.....

I can have what I want, do anything I want, but there's a part of me that missing.

"Good morning everyone!"

"Good morning sir!" Sabay-sabay naming bati sa aming prof.

"Okay, now you're in 4th year college where you need to take an OJT or On the Job Training to apply your skills and know what you will do after you graduated and have license."

"So what will you do today?... Your student nurses will observe registered nurses performing day to day duties. You are getting direct exposure to the hours and shifts that nurses work, Your interactions with peers and patients and of course your responsibilities. You will have insight into the joys, challenges, and intricacies on nursing work." pinaliwanag sa amin lahat ng dapat namin gawin pagkatapos ay inasign na kami sa iba't ibang department.

Nabigla ako ng lumapit sa akin sina Rayden, Zaniah at Jack.

Naka bun ang mahabang buhok ni Zaniah bilugan ang kaniyang mukha, matangkad at sakto lang ang hubog ng katawan.

Si Rayden naman ay 5'9 ang height hindi halata ang kaniyang maskuladong katawan ngunit halata sa mukha niya ang pagka maskulado dahil sa kaniyang jawline.

Si Jack naman ay 6'0 ang height halata ang kaniyang mga maskuladong braso at ang kaniyang matipunong katawan.

"Good morning!" Bati sa akin ni Zaniah at yumakap. Yayakap rin sana ako ni Rayden ng pigilan siya ni Jack.

Si Rayden, Zaniah at Jack ang mga kaibigan ko ang magulang namin nina Rayden at Zaniah ay magkakaibigan at magkakasama sa isang hospital ito ay ang aming hospital na siyang inapplyan namin upang maging student nurse, si Jack naman ay ang aming kaibigan na pinangarap maging isang nurse lamang. Ang isa pa naming kaibigan ay si Owen isa siyang architect student kaya madalas namin siyang hindi nakakasama.

"We have to start our duty now." Matipunong sabi ni Jack kay Rayden.

"Yes sir!" masiglang sagot naman ni Rayden, kumindat pa ito sa akin bago tuluyang hatakin ni Jack.

Natawa lang kami ni Zaniah sa inasta ng dalawa. Magkasama sila sa isang department sa E.R (Emergency Room) kami naman ni Zaniah ay na asign sa mga pasyente na may lung cancer.

"So how's your sleep?" Everytime na magkikita kami Zaniah ay ganoon ang tinatanong niya ewan ko ba sa babaeng 'to at sobrang maalalahanin.

"Zaniah, don't worry I'm fine." Hindi ko naman maaalis sa kaniya iyon dahil siya ang lagi kong nakakausap bago matulog, minsan pa nga ay binabantayan niya ako.

Pumasok kami sa isang silid, ito ang unang kwarto ng mga pasyente na may lung cancer. Sinalubong ng mga mata ko ang batang babae na abala sa kaniyang ginagawa.

"Hi!" Bati ko sa kaniya ngunit hindi niya ito pinansin.

Nagkatinginan kami ni Zaniah dahil doon. Ngumiti na lamang ako at tumango.

"What are you doing baby?" Lumapit ako sa kaniya upang makita ang ginagawa niya. May iginuguhit siya sa isang makapal na papel. Drawing book.

"You want to be a doctor?" Nakita ko ang dinrawing niya, ito ay babae na naka suot ng coat ng doctor at stethoscope.

Mabilis siyang tumango at tumingin sa akin.

"That's my dream to." Inilagay ko ang hibla ng kaniyang buhok sa likod ng kaniyang tenga, lumiwanag ang mata niya na para bang may narinig ng hindi inaasahan.

"That's my dream to ate!" Napangiti ako sa sigla ng kaniyang boses.

"Someday, you will be a doctor to." Singit ni Zaniah sa aming usapan. Hindi nawala ang ngiti sa mga labi ng bata sa aming usapan.

Stay With MeWhere stories live. Discover now