09

6 1 0
                                    

09 - Siopao

Sa kaniya ko nalaman ang kahulugan ng pagmamahal. Iyong taong makikita mong makakasama mo hanggang sa pagtanda niyo. Sinakripisyo ko lahat para sa pagmamahalan naming dalawa. Binibigyan niya ako ng assurance sa lahat ng bagay. Nagkaroon kami ng tiwala sa isa't isa. Araw-araw, minu-minuto, oras-oras naming ipinapakita ang pagmamahal sa isa't isa. Hindi namin iniisip ang mga taong gustong sumira ng aming relasyon dahil wala namang nagbabalak maliban sa magulang ko.

Sobrang saya ni Ali kapag nakikita niya kaming magkasama at sobrang saya ko rin na nakikita ko siyang masaya pati na rin si Ali.

Nagising ako dahil sa sama ng pakiramdam. Agad akong tumayo at dumaretso sa cr dahil sa sakit ng tiyan. Nagduwal ako. Hindi ko napansin na wala na pala si Asher sa tabi ko dahil nasa loob ng kuwarto ang cr.

Lumabas ako ng kuwarto at nakita ko si Asher na nagluluto habang topless sa kusina.

"Love." Nakasandal ako sa may pintuan ng tawagin ko si Asher at lumingon siya sa akin ng nakangiti.

"Good morning love." Lumapit siya sa akin at hinalikan ako.

"I want siopao." I pouted and hugged him.

"Okay, bibili tayo mamaya." Pinaupo niya ako sa dining table at kinuha ang mga niluto. Nagtimpla siya ng gatas at binigay sa akin.

Nag bake pala siya ng cookies.

Nang makita ko ang mga cookies na ginawa niya ay parang kuminang ang mata ko dahil doon.

Agad akong kumuha ng isa at kinain iyon. Si Asher naman ay umupo na sa tapat ko at nakangiting tinitignan akong kumakain.

"Hindi ka kakain?" Tanong ko sa kaniya ng maubos ang limang cookies. "Uubusin ko yan." Banta ko sa kaniya ngunit natawa lang siya sa sinabi ko.

"Eat all you can love." Kumunot ang noo ko at hindi nga siya kumain. Hinayaan ko nalang siya at kumain nalang.

Nang magpatuloy ako sa pagkain ay tumayo siya at pumasok sa kuwarto paglabas niya ay may dala siyang libro.

"Case?" Tumango siya at humigop ng kape at tinignan muli ang cookies na halos lima nalang ang natitira "Take your time babe." Tumango ako at humigop ng gatas.

Kahit hindi man sinasabi ni Asher ay nakikita ko kung gaano siya ka porsigidong makapagtapos sa kursong law. Madalas siyang tumatayo sa madaling araw at makikita ko nalang siyang nagbabasa sa table sa kuwarto at kapag naman may oras siya ay madalas din siyang nagbabasa ng case.

Hindi niya pinapakita sa akin iyon pero lagi kong nakikita. Kahit anong tago niya sa akin ay alam kong mataas ang pangarap niya, hindi ko man alam ang dahilan ngunit naniniwala ako na maaabot niya ito.

Pagkatapos ko kumain ay tumayo na ako at dinala na ang plato at baso sa lababo, ako na ang naghugas ng mga ginamit niyang panluto at ang mga pinagkainan. Busy parin si Asher sa pagbabasa at ayaw ko siyang gambalain.

"Love." Pagkatapos ko kumain ay saka ko lamang kinausap si Asher. "Ligo lang ako, take your time." Ngumiti siya at tumango.

"Love you." Tanging sabi niya at pumasok na ako sa kuwarto upang maligo.

Ngayon ay ang last practice namin para sa pinning ceremony bukas.

The pinning ceremony is offered to nursing students who have completed their diploma in practical nursing to become a licensed practical nurse (LPN), or their associate degree in nursing (ASN) or Bachelor of Science in Nursing (BSN) to become a registered nurse (RN).

Pagkatapos ko maligo ay sinuot ko na ang puting uniporme ng Nursing at nag light make up lang ako at nag blower ng buhok bago ito i bun.

Pagkatapos ko ay biglang pumasok si Asher.

Stay With MeWhere stories live. Discover now