04

5 1 0
                                    

04 - PARTY

"They look alike."

"Exactly."

Pinag-uusapan nila si Xiara at Ali ng kunin nila ang picture na nasa wallet ko.

I always have Xiara and Ali's picture on my wallet.

That's my lucky charm.

"Naniniwala ka ba sa reincarnation?"

"No."

Natawa kami sa dalawang nag-uusap si Rayden at Owen habang hawak ang mga picture kanina pa sila nagtatalo dahil nga kamukha ni Ali si Xiara.

Papunta na kami sa mall at si Jack ang nag ddrive habang si Zaniah ang nasa tabi niya, nasa likod naman kami nila Rayden at owen.

"Mindset ba Owen!" Sigaw ni Rayden.

"Tol, what if nga lang!" Balik naman ni Owen.

"Hey guys, stop it." Bawal ni Zaniah.

Kinuha ko ang mga picture at tinitigan ito.

Mula kilay hanggang sa mga labi nilang dalawa ay parehas, bilugan din silang dalawa, parehong mahaba din ang kanilang buhok.

I wonder who's Ali's parents.

"They look alike, they also have the same dream profession, also the same sweetness and adorable smiles, Ali and Xiara has the same dimples. The cutest smile ever." Lahat sila maliban kay Jack ay naka tingin sa akin.

Ngumiti ako sa kanilang lahat at nilagay na ang picture sa loob ng wallet.

"Let's go shopping!" Kinuha agad ni Zaniah ang braso ko pagdating namin ng mall.

"What do you want to buy?" Sunod na tanong niya.

"You're so cute!" Pinisil ko ang dalawang pisngi niya at naglakad papuntang chanel.

"Hey, wait for me." Hawak niya ang dalawang pisngi habang naglalakad palapit sa akin.

"You're going to buy a bag?" Kinindatan ko lang si Zaniah at pumasok na kami sa loob, ang tatlong boys naman ay nasa likod lang namin.

Nagtingin-tingin kami ng mga sling bag at backpack ng biglang may isang bagay na pumukaw ng atensyon ko. White sandals. Bigla kong naalala si Ali bagay ito sakaniya nilapitan ko iyon at tinuro.

"I want this." Sabi ko kay Zaniah.

"For ali?" Tumango ako may pinindot siya sa kaniyang cellphone. "Size 9." Ngumiti ako at sinabi sa sales lady na kukunin ko na iyon sa size 9.

Bumili si Zaniah ng sling bag at ako naman ay sandals ni Ali. Pagkatapos non ay pumunta na kami sa clothes store.

We decided to buy a Christmas outfit since malapit na ang christmas 6 days nalang.

Pumili kami ng mga damit na isusuot namin sa christmas I choose the fitted red dress while Zaniah choose long sleeve fitted white dress. Ang mga boys ay nasa boys section pumipili rin ng mga damit.

Pagkatapos namin ni Zaniah pumili ng damit ay pumunta na kami sa mga boys.

Naabutan namin silang nagtatawanan.

"Hey naka pili na kayo?" Tanong ni Zaniah sa kanila.

Tinaas nila ang kanilang mga kamay dala ang mga damit na pinili.

"Let's go?" Tanong ko sakanila.

Nagbayad na kami ng mga napamili at napag desisyonan  namin na kumain muna.

"Rayden!" May biglang humarang sa daan namin ng biglang may sumigaw na lalaki.

"Bro!" Manghang sabi ni Rayden.

Stay With MeWhere stories live. Discover now