12

4 1 0
                                    

12- Baby


"It's your fault!" nawindang ako ng sabihin iyon ni Daddy.


"W-what do you mean?" kumunot ang noo at inusisa ang kaniyang mukha. galit na galit siya.


"Kung nanatili ka sa tabi niya hindi sana siya mababaril ni Fernandez!" Lumabo ang mata ko ng may mamuong luha doon habang pinapakinggan si daddy. Hinawakan ni Mommy ang kamat kong nanginginig. "Kung hindi mo lang sana siya iniwan!" nag si-unahan ang luha kong tumulo dahil sa mga narinig. Ako? Ako ang may kasalanan? Kaya ganito ang trato nila sa akin, dahil ako ang may kasalanan. Hindi iyon dahil sa kung ano ito ay dahil nabaril si Xiara sa puso.


"I'm sorry." nakayuko si mommy sa gilid ko at hindi parin binibitawan ang kamay ko.


"No! It's your fault." naalala ko ang lahat ng biglang sumakit ang ulo ako, halos napaupo ako dahil sa naramdaman. Pilit kong balikan ang lahat ng nangyari sa nakaraan. Kung paano namatay si Xiara.


Ngunit ang naaalala ko lang ay iyong nabaril siya pero may kasama kaming matanda. Sa ibang lugar ang pinanggalingan ng putok ng baril na dumapo kay Xiara.


"Paano mong nasabi kami?! huh Xiana!" umiling ako at tumingin muli kay daddy.


"Kung sana hindi niyo kami iniwan noong gabing yon para mag saya ay hindi sana nangyari iyon! kami lang ni Xiara ang naiwan sa bahay na iyon! Wala kaming kasama kung hindi si Tito! Mas pinili niyo kaming iwan at hayaan doon para makaalis kayo! Hindi ako ang may kasalanan kung hindi ay kayo!" Pagkatapos ng mga sinabi kong iyon ay parang na blanko ang lahat. Dumilim ang paligid.


"Xia." pag mulat ko sa aking mata ay si Zaniah ang nakita ko. Inikot ko ang paningin sa paligid at nakitang hospital ito. VIP room.


"Anong nangyari?" tanong ko sa kaniya. Pilit kong umupo at nakita ko si Rayden, Owen at Jack na tulog sa couch habang naka upo. 


"Nawalan ka ng malay habang kausap ang mga magulang mo. Kakaalis lang nila para kausapin ang doctor ng Ob." Mahinahon ang boses niya ngunit kita ko sa mga mata niya ang pamamga nito at galing lang sa iyak. 


"Y-yung baby ko? K-kamusta siya?" hinawakan ko ang aking tiyan. 


"He's okay. Makapit naman siya. Pero Xiana-" hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. Tinitigan ko siya ng may pagatataka at takot. "W-wag mo ng uulitin ito, buntis ka. Kaya kailangan mong alagaan ang sarili mo at ang baby mo." tumango ako sa kaniya at ngumiti, niyakap niya ako ng mahigpit ganoon din ang ginawa ko.


"Gising kana pala." Bumangon si Rayden sa pagkakaupo at lumapi sa akin. Hinalikan niya ang aking noo at hinawakan na rin ang aking kamay.


"Magbabalat lang ako ng prutas." ani ni Zani at umalis sa upuan, pumalit naman si Rayden. 


"Xia, don't be hard on yourself okay?" malalim ang  pinaghuhugutan ng kaniyang mata, ayaw niyang ipakita kung anong nararamdaman niya. Tumango ako at ngumiti. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Stay With MeWhere stories live. Discover now