06

3 1 0
                                    

06- New Year

"Good morning!"  Bati sa akin ni Asher pagkalabas ko ng bahay 8-am ng umaga.

Nakasandal siya sa labas ng kotse niya. Naka white shirt siya at black cargo pants at white rubber shoes habang ako naman ay naka black croptop at black cargo pants at white rubber shoes. Para tuloy kaming couple dahil sa halos parehas naming damit.

"Good morning!" Ngumiti ako sakaniya, sinuklian niya rin naman iyon ng ngiti.

Nang makalapit ako sa kaniya ay binuksan na niya ang pinto ng passenger seat ng maisara na niya ang pinto ay umikot siya sa driver seat.

"How's Ali?" Tanong ko pagpasok niya.

"She's okay, her parents need to go back to their hometown so they decided to give me time to be with Alleyah." Sabi niya bago paandarin ang kotse.

Saglit niya akong tinignan bago kami maalis.

"Why do they need to give you the time to spend with Ali, when you're with her most of the time?" I don't want to ask him this personal question but he already said it, so I think It's okay to ask.

"I don't think they like me to be with Alleyah." Tinitigan ko lamang ang expression ng mukha niya ngunit hindi iyon nagbabago.

"Why?" Sa sobrang pag ka curious ko ay hindi ko na alam ang itatanong.

"Nothing." He gave me an assuring smile then he focused on driving.

Madaming tanong sa isip ko tulad ng bakit kailangan bigyan pa siya ng panahon at oras para makasama si Ali o bakit parang minsan nagtatago lang si Asher kapag pumupunta kay Ali minsan naman ay napapansin ko ay walang madalas na pumupunta at dumadalaw kay Ali but I kept it myself I don't want him to be uncomfortable with me. Nanatili lang ang mga mata ko sa tabi ng bintana kung saan nakikita ko ang mga tanawin. Pagkatapos ng usapang iyon ay hindi na ulit kami nag usap sa buong byahe.

Pagdating namin ng parking ay una siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. Sabay kaming naglakad patungong elevator.

"Did you eat?" Tanong ni Asher na nasa likod ko.

"Yup." Sagot ko naman habang mahigpit na hawak ang bag ko. It's so awkward, may nasabi ba akong mali? Bakit parang feeling ko meron? Napasapo nalang ako sa dami ng inisip.

"Hey, don't hurt yourself." Hinawakan niya ang kamay ko.

"Huh?" Kumurap kurap ako dahil sa ginawa niyang paghawak sa kamay ko. Nakita ko siyang ngumisi at tumingin nalang sa harap ng elevator hindi parin binibitawan ang kamay ko.

Nang nagbukas ang elevator ay saka pa lamang niya binitawan ang kamay ko at naglakad patungo sa silid ni Ali. Sinundan ko nalang siya at hindi na muli inisip ang nangyari.

Pagpasok namin sa kwarto ni Ali ay natutulog pa siya. Umupo ako sa harap ng kama niya kung saan nakaharap ang mukha niya. Pinagmasdan ko lang siya habang natutulad si Asher naman ay nag ayos na ng mga pagkain ni Ali at mga prutas nakita ko ring diniligan niya ang rosas sa maliit na lamesa sa gilid ng kama ni Ali.

Nang makita kong nakaupo na si Asher sa couch ay hinalikan ko si Ali sa noo at tumayo na. Inayos ko ang damit ni Ali at mga laruan sa gilid ng lamesa, ng matapos ako ay saka palamang nagising si Ali.

"Good morning baby." Dahil malapit lang ako sa kama at ako ang unang bumati kay Ali umupo siya at niyakap ako ng mahigpit.

"Good morning ate pretty!" Ngumiti siya at tumingin kay Asher. "Good morning kuya!"

"Good morning Alleyah!" Bati ni Asher at yumakap rin kay Ali.

"You want to eat baby?" Kumalas siya sa pagkakayakap kay Asher at tumango sa sinabi ko.

Stay With MeWhere stories live. Discover now