07

4 1 0
                                    

07 - Birthday

Another year, another beginning, another memories, New love, New experience, New age.


Natulog ako kasama nina Asher at Ali pagkatapos naming manood ng fireworks umuwi narin sina Zani, Rayden, Jack at Owen pagkatapos bumati sa akin ng happy birthday.


Ngayon ang birthday ko, no... Ang birthday namin ni Xiara.


Pag gising ko ay tulog pa si Ali at si Asher naman ay gising na at nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kaniya.


"Good morning." Bati niya habang nakangiti. Nag init ang pisngi ko dahil sa pag ngiti niya.


"Good morning." Tumayo na ako at umiwas ng tingin. Kumuha ako ng damit sa bag at tumungo sa shower ng di siya kinakausap.


Pagkatapos ko maligo at nag ayos sa cr ay lumabas na ako. Tulog pa rin si Ali kaya kailangan ko ng umalis habang hindi pa siya nagigising.


"May lakad ka?" Tanong ni Asher habang pinagmamasdan ako habang inaayos ko ang bag ko.


Nag black fitted jeans at croptop jacket na kulay pink nat rubber shoes.


"I'm going to my sister, wanna come?" Tanong ko sa kaniya. Nakagawian ko ng pumunta sa puntod ni Xiara para doon mag celebrate ng birthday kahit na may gagawing party si Daddy mamaya. Kaninang madaling araw ay nag message siya sa akin na mag ready ako for my birthday party mamaya marami raw na ka trabaho niya nag pupunta kaya dapat ay nandoon ako. Pumawag nalang ako dahil wala naman akong magagawa.


"Sure." Tumayo na si Asher at tumungo sa cr. Paglabas niya ay fresh na siya naka cargo pants siya at black t-shirt. Simple pero nakaka attract. Sa sobrang gwapo ba naman ng boyfriend ko.


Yes, Asher is now officially my boyfriend.


Bumaba narin kami at pumunta sa parking lot. Pinag buksan niya ako ng pinto at ng makapasok ay umikot na siya sa driver seat. Chineck niya muna ang seatbelt ko bago pinaandar ang makina.


Sa kalagitnaan ng byahe ay bigla niyang binigay sa akin ang kamay niya noong una ay nagtaka ako ngunit naintindihan ko din agad na gusto niyang makipag holding hands. Hinawakan ko ang kamay niya at nakita ko siyang ngumiti.


Sinabi ko munang dumaan sa bakery shop para bumili ng cake at dumaan narin kami sa flower shop para bumili ng flowers bumili din si Asher para daw sa akin. Natawa pa nga ako sa ginawa niya dahil kasama niya ako sa pagbili.


Nang makarating na kami sa libingan ni Xiara ay pumasok na kami at pumunta sa puntod niya. Umupo ako sa harap nito at nilagay ang bulaklak sa gilid. Binuksan ko din ang cake at inayos yon.


"Hi Ara, Happy birthday!" Bati ko sa kaniya habang nagpipigil ng luha. Umupo rin si Asher sa tabi ko ng mapansin iyon.


"Hi, Happy birthday." Bati rin ni Asher.


Stay With MeWhere stories live. Discover now