01

107 4 0
                                    


Chapter 1

“Ladies and gentlemen, welcome to Ninoy Aquino National Airport. Local time is 06:19 AM and the temperature is 28°C. For your safety and comfort, please remain seated with your seat belt fastened until…”

Isinara ng isang babae ang kanyang binabasang libro at tuluyang naghanda na rin dahil sa isa isang mga taong bumababa. Huminga siya nang malalim, at napatingin sa bintana. Kitang kita ang sikat ng araw. Kinuha niya ang sunglasses niya at isinuot iyon.

Kinuha niya ang bagahe niya sa taas at tuluyan na ring bumaba sa eroplano. At pagkalabas nang pagkalabas pa lamang niya ng eroplano ay ramdam na ramdam niya ang init na umaalingasaw dahil sa klima.

Pumasok siya sa loob at chineck ang bagahe niya, at pagkatapos noon ay muli naman siyang naglakad.

Wala siyang ineexpect na tao na magsusundo sa kanya, dahil wala naman siyang pinag sabihan tungkol sa pagbabalik niya.

But...

It's good to be back, isn't it?

Ngumiti siya ng malapad at tuluyang muling naglakad.

“AHHHH! Tulong!”

Napahinto ang lahat dahil sa sigaw na iyon, isa na roon si Raven. Sabay sabay silang napatingin sa taong sumigaw, at nakita naman nilang isang dalaga iyon na yakap-yakap ng isang foreigner. Nabalisa naman ang foreigner dahil sa sigaw ng dalaga.

“Damn!” mura nito.

Akala nang lahat ay simpleng pagaaway lamang ito ng magjowa ngunit naalarma naman ang lahat noong may kinuha ito sa bulsa ng kanyang jacket.

Isang granada.

“AAAH! MAY BOMBA!”

Kanya-kanyang sigawan ang lahat ng mga tao. Ang iba ay tuluyan ng nagsilabasan sa airport na iyon.

Mayamaya lamang ay lumapit na ang mga gwardiya.

“P-Please, don't do this, Jerald. L-Let me go…” pagmamakaawa ng dalaga.

Nangingilid na ang luha nito at kabang kaba sa anong mangyayari. Namamaga na ang kanyang mga mata at pulang pula na ang kanyang ilong.

“Shut your damn mouth, bitch! Or I will shove this in your mouth!”

Napapikit ang dalaga dahil sa nakaabang na granada. Napakagat siya ng labi at nahihirapan nang huminga. Isang hugot lamang no'n ay maaaring ikamatay niya na.

“Don't you dare fucking move!” sigaw nito sa mga gwardiya at itinutok sa kanila ang bomba. “One more step, and we will all meet in hell.”

Napahinga naman ng malalim si Raven sa nasaksihan. Ano ba naman 'to? Anong isyu ng foreigner na 'to?

Tiningnan niya ang kanyang paligid. Wala na palang mga tao, at tanging siya na lamang ang nakatayo sa posisyon niyang iyon. Maswerte siya at malayo ang kanyang pwesto sa nangyayaring hostage doon.

Teka posibleng hostage ba talaga ang nangyayari?

Maya-maya lamang ay dumating na rin ang mga police. Pinalibutan nila ito.

Napasapo naman si Raven nang kanyang noo. Mali, mali, mali!
Mali ang ginagawa nila! Hindi nila dapat ito palibutan! Baka mas mapressure ‘yong lalaking foreigner na hugutin ang bombang ‘yon!

“S-Sir, bitawan niyo 'ya—”

“Tanga, sabihin mo in english! Baka 'di nakakaintindi ng tagalog 'yan!” pasigaw na bulong ng isa.

“Takte! Ano ba english ng 'bitawan mo 'yan?!”

“Put that down?”

“Bitawan mo ang bombang iyan?”

Hidden HavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon