03

78 3 0
                                    

Chapter 03




“ICED MATCHA LATTE for Ashton? Iced matcha latte for Ashton!”

Agad namang tumayo si Ashton noong marinig ang kaniyang pangalan. Naglakad siya papunta roon at kinuha ang inumin niya.

“Thank you,” pasasalamat nito sa bartender.

He takes a sip at agad siyang nakaramdam ng satisfaction pagkatapos nang pag inom niyang iyon. Bumalik na siya sa kaniyang upuan at nag scroll muli sa kaniyang Facebook. Ngunit napatigil siya nang biglang may nag chat sa kaniya.

Tim:

Are you free this sat?

Ashton:

y?

Tim:

Let's hang out ^^

Ashton:

where?

Tim:

idk..
my place?

Ashton:

not sure
but i'll try ;))

Tim:

umkay…
just update me if you're going ^^

Napakagat ng labi si Ashton pagkatapos nang pag uusap nila ni Tim. Heto na naman ang pakiramdam niya. Bumibilis ang tibok ng kanyang puso at ramdam na ramdam niya ang init na dumadaloy sa kaniyang mukha.

Ito palagi ang nararamdaman niya pag nagkasama sila ni Tim. Hindi niya alam kung bakit. Pero siguro ganito talaga pag matalik na kaibigan mo talaga ang tao. They were best of friends since college kaya hindi malabo na ganito ang nafe-feel niya… or iba ba talaga?

Kinuha na lamang muli ni Ashton ang matcha sa mesa at tumungga ng napakarami doon. Halos makakalahati niya agad iyon.

No. He can't be gay. Nagkakagusto naman siya sa ibang babae eh. He is just messing around with himself.

Napatigil naman siyang muli noong tumunog ang phone niya. Kinuha niya iyon at tinignan. Isang tawag iyon mula sa ‘di nakarehistrong numero.

“Hello?” sagot niya rito. Ngunit agad na napakunot ang noo niya noong Wala naman siyang naririnig sa kabilang linya.

“[‘Wag mo nang ideny sa sarili mo,]” biglang saad nang nasa kabilang linya. Babae ang boses nito.

What the hell is she talking about?

“Excuse me?” naguguluhang tanong niya.

“[Pwede ka namang dumaan,]”

Fuck

“If this is a stupid prank call, just fucking leave me alone!” pasigaw na mura nito na ikinagulat naman ng lahat ng tao sa paligid niya.

Binigyan siya ng mga tao doon ng mga masasamang tingin lalong lalo na ang mga matatanda.

“Hay naku, mga kabataan talaga ngayon…”

Agad naman siyang nakaramdam ng hiya. Kung kaya’t humingi siya ng patawad sa mga tao roon.

Aakmang babalikan niya na sana ang call ngunit napatigil siya noong makita niyang nag end na iyon.

Bwesit.

Uminom na lamang ulit siya ng inumin niya ngunit noong paglagok ng pagkalagok niya ng inumin niya ay muli siyang napatigil dahil sa pumasok na realisasyon.

Hidden HavenOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz