11

39 1 0
                                    

Chapter 11




KAGAT LABING kinakabahan ngayon si Raven habang bumabyahe sila ngayon ni Ashton papunta sa YAO o Yu Alliance Organization. Paanong hindi kakabahan? Eh halos hinalughog na rin ‘yong museo na iyon at ‘yong eskinitang dinaanan noong babaeng iyon pero wala pa rin talaga silang mahanap na cellphone!




“Magdilang anghel ka na sana ay ni-reset niya agad ang cellphone na iyon at hindi aandar ang curiosity sa pag iisip ng babaeng iyon!” Napatahimik naman si Raven dahil mukhang galit na galit talaga si Ashton sa kanyang ginawa. First time niya lang din makita na ganito magalit ang pinsan niya.




Hays. Binigyan niya ng access ang cellphone niya kasi ang hirap naman kasing palaging dalhin ang laptop na iyon. Mabigat kaya, malapad din ‘yon!



“Ano na nangyari?” tanong ni Ashton sa kabilang linya. Kinakausap pa rin si Agent Mendoza.




“[Almost done, sir.]” sagot naman ng lalaki at inaabangan ang pagloading ng kanyang computer. Mayamaya lamang ay umabot din agad ito sa 100%. “[Ayon! Deactivated na sir! Mission complete!] Ngiting malapad ni Agent Mendoza.




Sa kabilang banda naman ay medyo nakahinga ng maluwag si Ashton. Agad kasing inutusan ni Ashton si Agent Mendoza na ipadeactivate ang cellphone nito kasama ang sim card, para Hindi na magkaroon access ang taong makakahawak ng cellphone na iyon, ngunit hindi pa rin sila nakakasigurado. Baka kasi naunang buksan ng taong iyon ang cellphone ni Raven at may nahalungkat na ng kung ano.



Napapikit ng mariin si Ashton at napasandig sa kanyang car seat. Tanging napatingin naman si Raven sa kanya, hindi niya alam ang gagawin. She really felt sorry of what she did.



“Sorry…”



Kumunot ang noo ni Ashton noong marinig niya iyon. Agad siyang napadilat at napaayos ng upo. Si Raven? Raven Mendez? Ang pinsang ‘yang ito? Nagsorry sa kanya?! What?!



Sign na ba ito ng katandaan?!


“Ay wag na nga lang,” biglang bawi ni Raven.

Napangisi naman si Ashton sa ginawa nito.

“I didn't expect that you would do that in my entire life! First time kitang narinig na nagsorry!” manghang saad ni Ashton sa kanya.


Umiwas ng tingin si Raven at napatingin sa labas ng bintana. “It was my first time seeing you that mad too.” mahinang sagot ng dalaga. Sa pagkakataong ito ay si Ashton naman ang napakagat ng kanyang labi at napayuko. Siya naman ngayon ang naguiguilty dahil mukhang napagalitan niya nang malala ang dalaga. “I can't blame you. Gano'n din ang gagawin ko pag may tanga tangang umaaligid sa akin. But I just don't expect you to be mad like that, you always look so calm kahit nastestress ka.”


Hindi makasagot si Ashton, at hindi rin alam ni Raven kung ano ang pwedeng pang cheer up na mga salita ang sasabihin niya sa pinsan. Hindi niya rin kasi alam ang gagawin niya sa lagay ni Ashton eh.


Mahabang katahimikan ang bumalot sa sasakyan. Ramdam na ramdam din ni Agent Torque— ang driver, ang awkwardness ng dalawa. Kung kaya’t nagpatugtog na lamang ito ng mga kanta.


Sa kanilang byahe ay mukhang dadaan sila sa isang tunnel. Walang gaanong sasakyan ang dumadaan dito at mukhang papunta sa bundok ang tunnel na ito. May nakikita rin siyang malaking waterfalls sa gilid ng tunnel na ito. Kung gugustuhin mong maligo at pwede ka na talagang tumalon dito sa daan, ngunit mukhang ipinagbabawal na ito ngayon dahil may signage na ‘wag maligo doon kasi may gumagalang buwaya daw.


Hidden HavenМесто, где живут истории. Откройте их для себя