Prologue

93 2 0
                                    

Prologue

"Saan ka pupunta?" Biglang tanong ni Haru sa kaniya na mukhang kanina niya pa talaga kinikimkim na itanong iyon. Kunot noong binalingan naman siya ni Raven. Saan ba kasi siya pupunta? Ba't kailangan pa niyang umalis? "Ba't kailangan mong magpakalayo-layo?" dagdag nitong tanong.

Mukhang hinintay talaga ni Haru ang tamang pagkakataon para tanungin iyon. Naguguluhan man ay ngumiti ng mapakla si Raven. "I need this, Haru. Magpapahinga lang ako," malumanay niyang saad sa binata. "Sa lahat ng mga nangyari sa atin, ineexpect mo bang magiging ok lang agad ako? Tayo?" Huminga siya ng malalim. Pinipigilan ang sariling umiyak at tinignan muli ang araw. "Hindi ganon kadali ang mga 'yon. I need time to process things..." Taimtim lamang siyang tinitingnan ni Haru. "Maraming mga tanong sa isip ko... pero hindi pa ako ready tanungin iyon, hindi pa ko ready malaman iyon."

Hindi naman makasagot ang binata. It's her choice. Wala siyang karapatan na pilitin siya na 'wag umalis. Ano ba sila?

"Kailangan mo rin magpahinga, Haru. Build yourself up. Hindi ba hahanapin mo pa nanay mo? Tanda mo sinabi ko sa'yo noon?" Tumango si Haru bilang sagot. "Babalikan kita, Haru, ok?"

Umiwas ng tingin si Haru at tinignan ang sahig na puno ng determinasyon at may talim sa kaniyang mga mata.

"Oh siya," Tumayo si Raven mula sa pagkakaupo, at humarap kay Haru. "Aalis na ak-" Hindi na natapos ang kaniyang sasabihin dahil sa biglang paghawak ni Haru sa kaniyang braso.

"Siguraduhin mong babalik ka," dahil sa oras na magpakita ka sa akin. Hinding hindi na kita papakawalan.

Sinsirong ngunit si Raven sa kaniya. "Promise."

Sa pagkasambit na pagkasambit niya ng katagang iyon ay agad na tumayo si Haru at niyakap siya. Napakali naman ang mga mata ni Raven sa ginawa niya. "Whenever you're around, I feel safe, Raven. Hindi ko alam kung sino pagkakatiwalaan ko, at kung ano ang gagawin ko ngayon kung wala ka. I consider you my safe place... my home. My bank of secrets. At ewan, pero nararamdaman kong hindi ka na magpapakita sa akin, sa amin. Because I know you will not answer my questions seriously if not. Pero... nagtitiwala ako sa'yo, Raven. Nagtitiwala akong babalik ka."

Hindi makasagot si Raven sa lahat ng mga sinabi niya. Kinagat niya ang kaniyang labi at niyakap na lamang siya pabalik.

"You're concealed, Raven. You will concealed by me, once na umalis ka." Naguguluhan man ngunit tumahimik na lamang si Raven at tanging nakinig sa mga sinasabi ni Haru.

"Anong niya-yapping nito?" tanong ni Raven sa kanyang sarili.

You're my haven, ikaw ang kanlungan ko.

But once you're not around me and people don't know about that, you will be my hidden haven that no one knows.




Hidden HavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon