04

69 2 0
                                    

Chapter 04



“TANGINA MO, HARU!”

Kinuha ni Raven ang unan na hinihigaan ni Haru at ginamit niya ang unan para ipalo sa binata. Agad namang napabangon si Haru mula sa pagkakahiga at umalis sa higaan. Napansin naman ni Raven na nakapantalon ito, ngunit wala pa ring damit na pang itaas. Umalis si Raven sa higaan at lumapit kay Haru.

Kinuha ng dalaga ang balikat nito at pinasandig ito sa pader. Mas lalo niyang binigyan ng masamang tingin ang binata. Napalunok naman ng laway si Haru nang malala. Mukhang mas nakakatakot ngayon si Raven kaysa sa noon.

“Anong ginawa mo sa akin?!” maawtoridad na tanong ng dalaga.
Wala siyang may natatandaan sa nangyari kagabi, at kung may nangyari man sa kanila ay wala rin siyang alam!

Pero isa lang ang alam niya... kasalukuyan siyang nakakaramdaman ngayon ng pagod at nangangalay 'yong dalawang paa niya.

Tinignan lamang ni Haru ang matalim na mga matang binitawan ni Raven at mas tinapatan ito. “Ano ba sa tingin mo?” balik na tanong ng binata. Hindi naman alam ni Raven kung anong emosyon ang nararamdaman niya ngayon. Unti unti niyang binitawan ang balikat ni Haru at binigyan siya ng makahulugan at 'di makapaniwalang tingin.

Kung gano'n... may nangyari talaga sa kanila?

“Grabe! Wow! Ganyan na ba ako sa tingin mo ngayon?” 'Di makapaniwalang saad din ni Haru na mas lalong nagpagulo sa isip ni Raven.

“Ginagago mo ba ako?! Baka gusto mong mawalan ng hininga ngayon?!” banta niya sa binata.

Si Haru naman ang humawak sa maliit na balikat ni Raven. “Wala, ok? Walang nangyari sa atin.” mahinang saad ng binata sa kanya.

Tinabig naman ni Raven ang kamay ni Haru na nasa kanyang balikat. “Kung ganon, bakit…” Hindi tinapos ng dalaga ang kanyang tanong at napatingin sa kanyang dalawang hita. Bakit nangangalay ang mga dalawang paa ko?!

“Masakit ba 'yong paa mo? Nakipaghabulan ka pa kasi kagabi eh. Akalain mo 'yon, tumalon ka rin galing puno do'n sa garden. Buti na lang walang gaanong tao, nakakahiya kaya!”

“What?” 'Di makapaniwalang tanong ni Raven.

“Last mo nang inom 'yon ah. Malala ka pala pag uminom. Sino ba nagsabi sa'yo na uminom ka?”

Oo, natatandaan niya 'yan. Pumunta siya sa bar ng hotel at doon uminom kagabi, pero wala siyang natatandaang nagkita at nagkausap sila ni Haru. Pero teka, eh bakit wala silang pang itaas ngayon?!

“Eh ba't nakahubad ka?!” tanong ng dalaga.

“Eh nakahubad ka nga rin eh!”

“Ano ba, Haru?! Nagtatanong ako ng matino, ok?!”

“Habang binubuhat kita papunta dito sa kwarto mo ay nagsuka ka, namantsahan ang damit mo. Hindi ka pa nga nakontento, umihi ka pa sa likod ko habang buhat-buhat kita,”

A-Ano?

“Nandoon sa CR 'yong damit mo, binabad ko na sa tubig para 'di mangamoy,” dagdag pa ni Haru.

Nagdadalawang isip man ngunit dali dali namang naglakad si Raven sa CR para tingnan kung totoo ang sinasabi ng binata at... totoo nga. Nakababad 'yong damit niya sa may sink, kasama yata 'yong 'di pamilyar na damit. Mukhang pagmamay-ari yata iyon ni Haru.

Lumabas siya sa CR at pinuntahan muli si Haru sa kanyang kwarto. “Umalis ka na dito,”

“Teka, ba't pinapaalis mo na agad ako? Parang kagabi lang ayaw mo akong pakawalan eh,”

“Are you taking advantage of me?” kunot noong tanong nito.

“Hala hindi ah!”

“Bakit mo ko hinalikan kanina?!”

Hidden HavenWhere stories live. Discover now