08

60 2 1
                                    

Chapter 08


“MANANG, pabili pong bulaklak,” turo ni Haru sa maliit na bouquet ng mga puting tulips.

Kakagaling lamang ni Haru sa interview ng Go, Go, Go! Ship.

Syempre, kahit na inirekomenda siya ay kailangan niya pa rin namang maginterview upang mas makilala siya ng mga makakasama niya doon. Natanggap naman agad siya doon at sa lokal na cruise ship muna siya nagtatrabaho ng tatlong buwan bago siya makipagsapalaran internationally. Hindi rin biro ang sweldo doon. Mas malaki pa iyon kaysa sa magtrabaho ka sa mga restaurants.

Inabot naman ng ale ang mga bulaklak sa kanya at binayaran naman agad iyon ni Haru.
Napangiti naman si Haru noong mapagmasdan ang mga bulaklak na iyon. Iyon ay paborito ng kanyang ina noong bata pa lamang siya. Tanda tanda pa niya na laging may inaalagaan ang nanay niya ng vase ng mga white tulips.

Ngayon ay bumili siya ay ibibigay naman niya iyon sa isa pang babae na unang nagpatibok ng puso niya. Ang dalagang si Raven. Oo, bibisitahin niya ang dalagang iyon dala-dala ang mga bulaklak. Gusto niya rin kasing kamustahin iyon dahil mukhang wala talaga itong balak na magpakita sa ibang kakilala nila.

Mayamaya lamang ay nakarating si Haru sa Wei's Hotel. Agad siyang sumakay ng elevator at pumunta sa hotel room ng dalaga. Huminga siya ng malalim at pinalakas ang kanyang loob.

“Kaya mo 'yan, Haru,”

Aakmang kakatok na sana siya ngunit biglang bumukas ang pintong iyon. Subalit imbes na si Raven ang bumungad sa kanya ay isang babae iyon na may hawak hawak na sanggol.

“Sino po sila?” tanong ng babae.

“Hindi po ba nakacheck-in dito si Raven Mendez?”

“Raven? Wala po, baka ibang kwarto po iyon…”

Napatingin naman si Haru sa hotel number.
143.

Siguradong sa dalaga ito dahil bago pa man siya umalis noong araw na iyon ay tinandaan talaga niya ang hotel number na iyon.

“Ah sige po, sorry po sa abala,” yumuko si Haru dito bilang paghingi ng tawad at respeto na rin.

Posible kayang umalis na siya doon?
Ang sabi kasi niya ay hindi siya tatagal doon.

Bumaba na lamang ulit si Haru mula sa palapag na iyon at dali daling pumunta sa front desk. Tinanong niya kung lumipat ba ng hotel room ang dalaga, sinabi naman ng babae doon na two days ago na pa lang wala roon si Raven.

Bigla namang nanghina ang loob ni Haru.

Mukhang... iniwan agad siya ng dalaga.

Nagcommute siya papunta sa condo niya at dumaan muna sa malapit na convenience store. Bumili siya ng flavored beer at frozen pizza. Magcecelebrate na lamang siya ng mag isa dahil natanggap siya sa trabaho at isa ring way iyon para matanggal ang panghihinayang at sakit na nararamdaman niya sa dalaga.

Tuluyan na siyang umuwi sa condo niya. Inilagay niya muna sa ref ang beer at frozen pizza. Magaayos at maglilinis muna siya ng tinitirahan niya. Nagbihis muna siya at inuna niyang nilinis ang kanyang kusina. Sunod, ang kanyang CR. Pagkatapos, ay ang kanyang living room, at sa huli, ay ang kanyang higaan.

Di nagtagal ay pasado alas otso na ng gabi. Naging komportable na si Haru at sinimulan niya na ang selebrasyon mag isa. Kinuha niya ang beer at ininit ang pizza sa oven. Inayos niya na rin ang TV niya para manood ng mga palabas.

Umupo siya sa couch at nagtalukbong ng kumot. Nanood siya ng mga palabas hanggang hatinggabi. Ngunit hindi niya pa rin nauubos ang beer niya, tatlo pa ang natitira at limang beer ang binili niya. Sana pala ay kinunti niya lang ang biniling beer dahil mukhang hindi niya rin pala mauubos iyon.

Hidden HavenWhere stories live. Discover now