06

79 4 3
                                    

Chapter 06

TEKA.

Paano talaga nalaman ni Haru na nandoon siya sa hotel, at sa bar na iyon at umiinom? Nakakainis naman.

“Hey,” biglang tawag sa kanya ni Ashton. “Wala ka man lang ba reaksyon dahil nahanap kita? Na nandito ako?” takang tanong ni Ashton, at umiling lang ang dalaga bilang sagot.

Ineexpect kasi niya ay magpapanic ito. Papalayasin siya nito o kung ano man, basta ba agresibo dapat ang reaksyon nito. Ngunit mukhang iba talaga si Raven sa inaasahan niya.

Bakit parang chill lang ito at walang pakialam?

Nasa loob na sila ngayon ng hotel room ni Raven at pinaupo siya nito sa upuan habang ang dalaga naman ay nakaupo sa higaan, at wala lang. Walang kahit anong inumin o kung ano man. Ilang minuto lamang silang nakaupo, at halos napakaingay ng katahimikan.

“Buckle up, I found a new place for you.”

“Hindi ako tatagal dito,” agad na saad ni Raven na nakatulala pa rin.

“Who even asked? I just want you to live a better temporary home.” Bagot na saad nito at sumandig sa upuan dahilan upang ang dalaga naman ang magtaka.

“Hindi ka curious kung bakit ‘di ako tatagal dito?”

“Nope.” But a little bit, I guess? Who doesn't? “Not at all.” medyo lang. “It's your life though, malaki ka naman eh. Malapit ka na rin yata mag thirty eh,” Ipinatong ni Ashton ang ulo nito sa kanyang mga kamay na nasa likod na ngayon.

Napapaisip man ngunit nagkibit balikat na lamang ang dalaga, at tumayo na para magsimulang mag empake. Bakit naman siya hindi papayag? Siguradong mas malaki at may kusina na Ang lugar na tutuluyan niya. Si Ashton pa ba?

“I’m twenty-eight, and I’m not that old like you.” pang-aasar nito.
Siguro kasi mga thirty-two years old na ito? Literal na wala na talaga sa kalendaryo. “Wala ka bang plano sa buhay mo? Any child? Wife? O baka naman…” tinignan niya nang malagkit si Ashton na biglang umayos sa pagupo.

“Don't start me, Raven.” pagbabanta nito. Alam na kasi nito ang ibig niyang sabihin.

“Tell me… you like him, do you?” Napakagat naman ng labi si Ashton at biglang nakaramdam ng init papunta sa kanyang ulo. Hindi siya makasagot sa simpleng tanong na iyon ng kanyang pinsan.

“Eh ikaw nga eh! In love ka nga sa mas bata sa’yo!” balik nito sa kanya.

“Oh? Anong nangyari sa cool na page-english mo? Nahuli ka lang, nawala na angas mo?” Ngising saad ng dalaga.

Hindi naman mapigilan ni Ashton na itaas at ipakita ang gitnang daliri sa kaniya.

Fuck you, Raven.
Fuck you from the bottom of my heart.

“Hay naku. Don't worry, Ashton. Tanggap ka naman siguro nina Lola. Mabait naman sila, hindi ba?” nagsimula uli siyang magligpit ng kanyang gamit sa bag.

Hindi naman makasagot si Ashton.
Hindi niya kasi alam ang isasagot.

Mayamaya lamang ay biglang nagring ang phone ni Raven, agad niya naman itong kinuha at nakita niyang may tumatawag sa kaniya. Agad niya namang sinagot ang tawag, at ni-loudspeaker ito.

“[Mama!]”

Napatayo naman si Ashton sa unang salitang narinig niya sa phone ni Raven. Teka, totoo ba ito?
May anak na si Raven.

Napangiti naman si Raven sa reaksyon niya.

“Hi! Renren, how's your day?” tanong nito sa bata.

“[Ha?]”

Hidden HavenWhere stories live. Discover now