01: Alarm Clock

94 10 0
                                    

Nakangiti ako sa papel na nakadikit sa pader habang binabasa ang pangalan ng Top 1 Dean's Lister.


"Anong nginingiti mo Nyx? Ikaw naman palagi ang Top 1, di ka pa nasanay" hindi ko pinansin ang comment ni Sapph. Ayaw ko ng negative vibes ngayon. I worked hard for this kaya deserve kong ngumiti.


"Sus, kung puro ba naman kasi aral inaatupag talagang mag ta-top 'yan" nilingon ko kung saan galing ang boses na iyon at nakita ko ang isa kong pinsang nakakairita. Si Topaz Del Fianza. Pinsan ko ba talaga ito? Bakit hindi kami mag-click.


"Top 1 nga wala namang social life" pagka-side comment nanaman nito.


"Paz! Tigilan mo nga si Nyx. Parang di naman tayo pamilya" si Sapphire na ang nagsalita. Minsan magka-click sila pero madalas hindi.


"Totoo naman Sapph ah. Having no social life is not worth living" umirap pa ito at tinignan ako na parang nandidiri saka umalis na kasama ang mga alipores nito.


"Hayaan mo na siya Nyx, Life is too short to hold grudges hehe" pagtatanggol nito sa pinsan namin. Nag-peace sign pa ang loka. Palibhasa di marunong magalit itong si Sapphire kaya gusto siya ng lahat.


Pisting Topaz! Pag-ako naging abugado, who you ka sa akin.


"Ayos lang" tipid kong sagot.


Ayaw kong may sumira ng araw ko ngayon kaya naglakad nalang ako palayo.


"Hoy! Nyx, saan ka pupunta?"


"Sa Library, mag-aaral"


"Huh? Eh kakatapos lang ng final exams natin ah? 'Saka internship nalang naman tayo next term kaya ano pang-aaralin mo?"


"Pag-aaralan ko kung paano i-pasa ang medical exam natin"


"Pucha naman Nyx, pati ba naman Medical Exam gusto mo Top Notch ka?" narinig kong tumawa si Sapph. Pero seryoso ako, gusto ko maganda ang kakalabasan ng medical exam para sure na makakapag-internship ako.


Hindi ko na nilingon si Sapph at patuloy nalang akong pumunta sa Library. Actually, gusto ko lang magbasa ng libro nang walang distorbo.


Dumeretso muna ako sa CR at umihi. Habang umiihi, nilabas ko ang orange notebook ko at nilagyan ng checkmark ang Top the Finals Exam sa aking bucket list.


"Kilala mo ba 'yong Top Notcher natin sa Legal Studies Department?" napangiti ako ng malawak nang marinig ko na ako ang pinaguusapan nila. Na-inspire kaya sila sa akin?


"Ahhh, 'yong babae bang mukhang nerd na madalas nakaturtle-neck at loose jeans?"


Kinunot ko ang noo ko.


Like seriously? gan'yan niyo ako i-describe?

𝐖𝐢𝐬𝐡 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐒𝐮𝐧𝐬𝐞𝐭 (Gemstones Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon