25: No Label

59 3 0
                                    

Nag-empake ako ng mga gamit at kinuha ang mga naipon kong paintings. Ibebenta ko nalang siguro ang mga ito para magkaroon ako ng kaunting pera to live independently. May iniwan naman noon si Mama na ATM at malaki ang laman nito dahil iyong mga allowance ko na binibigay niya ay doon ko hinuhulog. Kahit iyong mga binibigay noon nila Tito Klyde ay inipon ko. Baka ito nga ang pinaghahandaan ko. Ang makaalis sa lugar kung saan puno nang kasinungalingan.


I need to get away. 


I need to restart my life. 


I need to rebuild the shuttered dreams I once had.


 As I pack my things, inalala ko lahat ng nakita ko kanina. Kung paano hinalikan ni Ravi si Jessica dahil mas nangibabaw ang sikreto nito kaysa sabihin sa akin ang totoo at si Sapphire na pinalitan pala ang medical certificate ko para hindi ako makapag-internship.


Paglabas ko ng pintuan ay nakita ko kaagad si Ravi. Tinulak ko lang ito at saka ni-lock ang pintuan ng dorm namin ni Sapphire. Bakit nga ba hindi na titira dito si Sapphire? Hindi ko alam, wala naman sinabi si Tito Klyde. Ayaw ko rin naman tumira dito mag-isa, baka mabaliw na ako.


"Nyx! Saan ka pupunta?" 


"It's none of your business!"


Kinuha niya ang mga dala ko at hinatak ako palapit sa kanya. Tears wanted to fall from my eyes but I stood firm. I don't want to cry in front of the man who did not kept his promises. Alam kong napilitan lang siya pero he had a choice, at ang halikan iyong linta ang pinili niya. Well in fact alam niyang may gusto rin ako sa kanya.


"Nyx, bakit ka aalis?"


"Dahil ayaw ko na! Suko na ako Ravi!"


"Suko saan?"


"Sa lahat!"


"Ano bang pinagsasabi mo, Nyx!"


Tinignan ko si Ravi nang masama at saka sinuntok ang kayang dibdib. Hindi man lang siya nasaktan. 


"I saw you kissing Jessica! At alam ko ring pinalitan ni Sapphire ang medcert ko. At alam kong alam mo iyon dahil may picture si Miss Turner na kasama ka sa pagpa-plano ng lahat. Kaya please! Let me go, Ravi!"


Binitawan ako ni Ravi nang makita niyang tumulo na ang mga luha kong pinipigilan ko kanina. Hindi ko na kaya, pakiramdam ko sasabog na ang dibdib ko sa kalokohang ginawa nila sa akinlahat. Wala akong kakampi.


"Nyx..."


He looked at me like as if he was hurting. Tangina! Nakakairita naman, ako dapat ang tumitingin sa kanya nang gano'n! Ako ang nasaktan at hindi siya kaya wala siyang karapat tignan ako nang gan'on!


"Let me explain, please."


"Ano ba ang i-eexplain mo, Ravi? Kung paano kayo naglaplapan kanina?"

𝐖𝐢𝐬𝐡 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐒𝐮𝐧𝐬𝐞𝐭 (Gemstones Series #1)Where stories live. Discover now