06: The Deal

74 5 1
                                    

Nagising ako nang may naririnig na umiiyak. Who the hell is crying at six in the morning!


Lumabas ako ng kwarto at hinanap kung saan nanggagaling ang mga hikbing may puno ng pait. Napatigil ako sa tapat ng banyo, Sapphire was crying, and she sounds like she's hurting so much. Should I comfort her? Nag-isip muna ako, if I did, ilang oras kaya ang masasayang. Kailangan ko pa kasing kitain si Ravi ngayong umaga, dahil sa deal namin.


"Sapph?" katok ko sa pinto ng banyo.  10 minutes, iyon lang ang maibibigay ko sa kanya. 10 minutes to comfort her in a way.


Narinig kong binuksan niya ang gripo ng banyo. Matapos ang ilang segundo, binuksan niya ang pinto ng banyo nang may basang mukha at malaking ngiti.


I gave her a confused look, "Okay ka lang? Bakit ka umiiyak?" I asked. Time is ticking so she better tell me now or I'll just waste one of my precious time again.


"Huh? Sinong umiiyak? You are hearing things, Nyx" nakangiti pa rin nitong sambit. Kung ayaw niyang sabihin, it's okay with me. If she needs to handle it on her own, ayos lang sa akin. Wala rin naman akong magagawa kung ayaw niyang magsabi. Mahirap pwersahin ang ayaw.


"Ah, okay" tipid kong sagot. Binalewala ko nalang ang mga iyak niya and just focused on how my day will work out. Kung hindi lang dahil sa medical cert na iyan, hindi ko gagawin ito. This is so not me. Bumalik ako sa aking kwarto upang maghanap ng isusuot. Naalala ko nanaman ang condition na ibinigay ni Ravi.


-Flashback-


"In one condition" he smirked. Making me want to back out kahit na hindi ko pa naririnig ang kondisyon niya.


"May subject kasi akong recreational activity. Isang requirement namin is to reach the summit at Mt. Pulag with an opposite sex, pagnagawa namin iyon, I will have an automatic grade of 98. And I need you to be my partner." Ano raw? Mt. Pulag? Diba kailangan i-hike iyon? No, No, No, Absolutley Not! Hindi ako mahilig lumabas ng bahay at hiking pa. But then, if I don't do it, walang medical certificate. And that means no internship.


"Bakit ako? Hindi ba pwedeng ka-klase mo rin? Ano naman kinalaman ko sa grades mo." I wanted to back out right there.


"Wala, ayaw ng mga babaeng classmate ko mag-hike. Optional naman, pero kasi, my grades are hanging in this subject kaya kailangan kong gawin. Okay lang naman din kung ayaw mo, maghahanap nalang ako ng iba." Optional naman pala, tsaka wala akong pake kung bumagsak siya. Hindi ko naman siya responsibilidad.


"Pwede bang hanapan na lang kita ng makakasama mo?" I offered, naisip ko iyong Jessica, siguradong papayag 'yon mas lalo at patay na patay siya kay Ravi.


"Si Jessica, baka pumayag."


"Don't even mention that name!" Dumilim bigla ang mga mata niya. Nice going Nyx. 


"Joke lang" sinubukan ko pang tumawa pero nag-iba na talaga ang mukha niya. Parang gusto niyang pumatay ng tao.


"If you don't want to do it then fine, hindi naman kita pinipilit. But please, don't ever mention that bitch's name...not when I'm around" natameme ako. Ano bang ginawa nung Jessica na 'yon at malaki ang galit sa kanya ni Ravi.

𝐖𝐢𝐬𝐡 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐒𝐮𝐧𝐬𝐞𝐭 (Gemstones Series #1)Where stories live. Discover now