20: A Stranger

32 3 0
                                    

"Kayaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!" Sapphire screamed, matapos kong i-kwento ang mga ginawa namin ni Ravi. Hindi ko sinabi ang tungkol sa kung bakit hindi ko tinuloy mag-internship. Ang sinabi ko lang ay napagod ako at kailangan ko munang huminga at mag-explore ng mga hindi ko na-experience na bagay. Syempre, hindi ko rin sinabi na may nangyari sa amin ni Ravi, that's too personal.


"So? Kayo na?" Sapphire's eyes sparkled with joy, as if she held the universe's greatest secret.


"H-Hindi." Kung pwede lang kami magkaroon ng label ni Ravi, ginawa ko na. Ang kaso, ayoko siyang masanay na kasama ako. Ayaw ko siyang masaktan sa huli.


"Bakit naman?"


"Hindi pa ako handa magka-boyfriend no!" kahit na gustong-gusto ko talagang maging boyfriend si Ravi, iiwan ko rin naman kaya...hay! ang hirap naman.


"Weh? Hindi raw, eh mukhang blooming ka nga dyan! If I know, in love ka na sa kanya" inasar-asar niya pa ako na mukha naman daw seryoso si Ravi sa akin. Alam ko naman 'yon, ayoko lang talagang bigyan siya nang pag-asa. I think naman na alam namin pareho iyon.


"Pwede bang change topic nalang muna, Sapph. Ikaw? Kumusta ka na?" ramdam kong namumula na ang pisngi ko kaya kailangan kong mag-iba ng topic para naman hindi ako masunog sa sarili kong katawan.


"Ito buhay pa naman ako" she chuckled.


"Ang payat mo na, anyari?"


"Kumaen ka na?" siya naman ngayon ang nag-iba ng topic. Sige kung 'yan ang gusto niya, pagbibigyan ko siya. Sabi nga ni Topaz, everyone has their reason why they do what they do. Not in those exact words, pero parang gano'n na rin ang gusto niyang sabihin.


"Kakatapos lang namin, ikaw kumaen ka na ba?" 


"Oo, kakatapos lang din."


A sudden pause filled the air as Sapphire's gaze drifted away, her expression turning thoughtful. I could tell there was something on her mind, something she was hesitant to share.


Should I ask her? Am I even in the right position to ask her?


"Kumusta pala kayo ni Hunter?" she shifted her gaze once again.


"W-wala na." 


"Hindi na kayo?"


"Hindi naman talaga kami, Nyx"


"What do you mean?"


"Gusto mo talaga malaman?"


"Sapph, nasa sa 'yo 'yan. Kung ayaw mo sabihin, I respect your decision. Kung gusto mo naman, handa akong makinig."


Lumaki ang mata nito at napakunot noo. Was it something I said?


𝐖𝐢𝐬𝐡 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐒𝐮𝐧𝐬𝐞𝐭 (Gemstones Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon