24: Closer to the Truth

26 3 1
                                    

Paano ka magtitiwala kung mismo ang mga taong pinagkatiwalaan mo ay may tinatago sa 'yo?

Paano mo malalaman ang katotohanan kung ang mismong kasagutan ay hindi mo alam kung totoo?


Nag-abang ako sa likod ng isang puno malapit sa kung saan kami mag-mi-meet ni Miss Turner. I don't know if she'll really show up, kung darating man siya, sino kaya siya?


Malapit nang lumubog ang araw at umuunti na rin ang mga tao dito sa park. Bawat minutong lumilipas, mas lalong lumalakas ang kalabog sa aking dibdib.


Nakita kong may umupong isang babaeng sa bench kung saan kami magkikita. Siya na kaya si Miss Turner? Teka, parang kilala ko siya. Saan ko nga ba siya nakita?


Lalapit na sana ako nang may biglang sumulpot na kotse sa harapan nito at may bumaba na isang makisig na lalaki. Tinignan ko ito nang maigi bago ako na pasinghap.


What the hell is he doing here?! Akala ko ba may outing sila ng friends niya?


Stay calm, Nyx. Baka may rason kung bakit sinabi ni Ravi 'yon. Sure, Nyx, be the most understanding person and die not knowing things. 


Hindi ko tuloy alam kung itutuloy ko panghintayin si Miss Turner. Nakakasakit ng puso ang nakikita ko ngayon. Tinanggal ko ang pagtingin ko kay Ravi at sa linta niyang si Jessica. Nagtago ako sa sa likod ng puno.

Tumunog ang selpon ko na agad ko naman binuksan. It was a message from Miss Turner.


 Miss Turner: Just watch.


Nanginginip ang mga kamay ko habang nagtitipa nang i-re-reply ko sa kanya.


Me: Watch what? 


Miss Turner: Them.


Si Ravi ba at si Jessica ang tinutukoy niya? Bakit? Para saan? 


Me: Why? Nasaan ka ba?


Miss Turner: I'm here, now watch. And listen to their conversation.


Hindi ko na ni-reply-an si Miss Turner. Kahit masama ang loob ko ay sinubukan kong lumapit para mapakinggan ang pinag-uusapan nilang dalawa.


"Jessica, ginawa ko na ang gusto mo. So please, shut your damn mouth!" nang gigigil na sabi ni Ravi. Nakita kong nag-smirk lang si Jessica bago niya sinagot si Ravi.


"But, we are not done yet, Babe..." Sila ba? Bakit niya tinatawag na Babe si Ravi? Are they in a secret relationship or something?


"I already did what you want me to do, so stop blackmailing me," deretsong sabi ni Ravi, halatang naiinis na kay Jessica. Ano ba talagang meron?


"Do you want me to tell her?"


"Ano pa bang gusto mong gawin ko!?" napasuntok si Ravi sa bench kung saan naka-upo si Jessica. Nagulat naman ang linta.

𝐖𝐢𝐬𝐡 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐒𝐮𝐧𝐬𝐞𝐭 (Gemstones Series #1)Where stories live. Discover now