26: Restart

22 2 0
                                    

Ilang oras ang naging byahe ko mula sa Manila papunta rito sa New York. Nakakapagod. Pinasundo ako ni Tito Klyde sa anak ng ka-business partner niya at binilinan na rin na siya muna ang makakasama ko habang nag a-adjust ako.


Pagkalabas ko ng airport, may lumapit sa aking babae na chinita na may kasamang lalaking matangkad.


"Are you Nyx?" A smile formed in her lips when I nodded with a friendly smile on my face.


"I'm Analisse, and this is Desmond," turo niya sa kasama niyang lalaking may pagkamaangas ang dating.


"Hey, Babe. Nice to meet you." The guy smirked. Napataas ang kilay ko sa sinabi niya habang inilalahad ang kanyang kamay upang makipag-shake hands.


"Don't mind him, he calls everyone, Babe." Inabot ko naman ang kanyang kamay at nakipag-shake hands. Napatitig pa ako sa kanyang kulay asul na mga mata.


Inabot naman nito ang dala kong maleta at bag tsaka inilagay sa kotseng kulay pula sa gilid namin.


"Anyways, Nyx-"


"Please, call me, Diamond." If I'm going to start fresh again, I have to let people call me by my second name. Para kasing may sumpa 'yong una kong pangalan, e.


"Nah, too long. We'll just call you..." Inantay ko ang sasabihin niya, it's the first time someone was actually talking to me casually in person. Well, other than Sapph and Rav, that is.


"...Dy." Ano raw? Die? Medyo cringe, pero I kinda like the way she said it. Deadly.


"You can call me Ali, and that jackass, Mond," turo niya sa lalaking matangkad na medyo kulot ang buhok.


Nakita kong umirap si Mond bago ito pumasok sa loob ng driver seat. Mukhang suplado. Siya siguro iyong sinasabi ni Tito Klyde na anak ng business partner niya. Basta ang sabi niya lang naman, e, lalaki na matangkad at kulot ang buhok. Hindi ko lang alam kung kapatid ba niya itong si Ali dahil hindi naman sila magkamukha.


Sinamahan ako ni Ali sa backseat at nagsimula akong tanungin ng kung anu-ano.


"Anyways, Dy. As I was saying earlier, me and Mond was instructed to fetch you. Si Mond lang talaga, but I decided to come. Baka isipin mo pa kidnapper siya," tawa nito. Buti nalang at marunong siya magtagalog. Iniisip ko palang na mag-i-English ako sa tuwing kasama sila ay sumasakit na ang ulo ko.


"Filipino kayo?" I asked to confirm.


"Yeah. I'm pure Filipino, but I can only speak a few, cause I was born and raised here in New York. I do understand straight tagalog because of my parents. Desmond, on the other hand, we'll, let's not talk about anything important," natawa nanaman siya. Magkaano-ano kaya sila?


"Like you're that important." Pambabara naman ni Desmond kay Analise. Tinignan naman ni Analise ito nang masama. Natawa nalang ako, para silang aso't pusa.

𝐖𝐢𝐬𝐡 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐒𝐮𝐧𝐬𝐞𝐭 (Gemstones Series #1)Where stories live. Discover now