Chapter 18

9.5K 332 126
                                    

Chapter 18: Quarrel's Over?

#DittoDissonanceWP

don't forget to vote <3 tysm. enjoy!

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Caiden's Point of View

The air was timid as we sat at the tables outside near the BSFA and BS Architecture building. I didn't know what to feel about the situation that happened a while ago. Though it was fucking funny and at the same time terrifying. Did I just fucking include myself again with that gay prick?

I can't believe that I'm having my lunch thinking about that. Ni hindi kami nag-uusap-usap dahil may kaniya-kaniya kaming iniisip. Busy din sila sa phone nila habang ako ay dahan-dahan lang ngumunguya at natutulala. Hindi ko alam kung matatawa ako o makikipagkwentuhan kina Titus. Putangina.

Napailing-iling ako at binalingan si Titus na saktong napatingin din sa akin. Nag-angat siya ng kilay pero natawa lang ako bago umiling. Nangunot ang noo niya at bigla ring natawa. Mukhang alam ko na kung anong nasa isip nito.

"Putangina mo, Caiden. Dahil tumawa ka, naalala ko na naman 'yung kinikwento mo kanina. Laugh trip kanina, puta ka," sabi ni Titus at nagsimula ng humalakhak.

Unti-unti na rin ang natawa. "Iyak siya, e. Natatawa ako sa mukha niya. Ampangit tapos halatang napipikon na siya," sabi ko.

Binitiwan na rin nina Magnus ang phone nila at nakikitawa na rin sa amin ni Titus. Dahil kanina tawa kami nang tawa nang na-elect si Zern bilang president. Bukod pa ro'n, tawang-tawa sila sa sinabi kong hahabulin siya ng mga girls. Hindi rin sila maka-get over sa tawa ko kaya sa tuwing naalala namin, kusa kaming nagtatawanan. Pati 'yung pangalan niyang Zern pinagtatawanan namin dahil sobrang pangit. Hahahaha putangina!

"Bwisit ka, Caiden. Tangina. Tawang-tawa ako sa kaniya kanina. Natatawa ako sa mukha niya. Mukha siyang mochi na pinisa kasi galit na galit 'yung titig niya sa 'yo. Parang ang squishy no'ng pisngi niya," sabi ni Magnus habang humahalakhak.

"Ang pinaka natatawa ako sa tawa ni Caiden pati sa name niyang Zern. Tangina, lalaking-lalaki tapos kanina 'yung hitsura niya nanlilisik 'yung mga mata at parang magdadabog habang umiiyak," sabi ni Echo at pumapalakpak pa sa sobrang pagtawa.

Kusa lang bahagyang humupa ang tawa ko nang bigla kong naalala 'yung sinabi niya kanina sa akin kaya bigla akong natakot. Nahaluan ng takot 'yung saya ko, e. Asar-talo na sana siya, e. Bigla lang may pagbabantang ipapa-rape na naman niya ako sa mga bading, putangina. Hobby ba talaga niyang mag-joke about sa rape, putangina niya. Or joke ba 'yon? Fucking gay prick. Nakakakilabot gago.

"Pero nagbulungan kayo banda sa gitna, Caiden, ah?" sabi ni Titus sa akin at bahagyang humupa na rin ang pagtawa.

Tumango ako. "Oo, gago. Sabi niya kapag hindi pa raw ako tumigil, papaabangan niya raw ako sa mga bading niyang kaibigan sa kwarto ko. Tanginang bading 'yan, hilig i-brought up 'yung pangmomolestiya, e. Medyo napaghahalataan na, e," singhal ko at napailing pa.

Nangunot naman ang noo ni Magnus sa akin. "Gago siya, ah. Dapat hindi siya nagjo-joke ng tungkol sa mga ganiyang bagay. Or hindi niya dapat 'yan casually bini-bring up as threat or something," sabi ni Magnus.

"Kaya nga. Paano kung may nakarinig sa kaniya or 'yung kausap niya ay may past experience about diyan. Hindi ata nag-iisip 'yung bading na 'yon, e. Bigla na rin tuloy akong naiinis sa kaniya tapos gusto ko na lang din tulungan si Caiden na mag-plot ng plano para makabawi sa kaniya," sabi ni Echo at mahinang natawa.

Ditto Dissonance (Boys' Love)Where stories live. Discover now