Chapter 65

6.9K 317 261
                                    

Chapter 65: Nonstop

#DittoDissonanceWP

Hi, thank you for waiting :) Ditto Dissonance's FB Group's link is on my bio, you can join if you want to ^^

GUYSSS! DON'T FORGET TO VOTE!!! THANK YOUU AND ENJOY! <3

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

Dumadagundong ang dibdib ko habang nanonood kami ng sine ni Caiden. Ilang minuto na kami nanonood, pero hindi ko pa rin ma-process nang maayos 'yung nangyayari. Wala ring kina-clarify si Caiden—basta na lang kami bumili ng drinks at kinuha ko ang ticket ko 'saka dumeretso sa loob.

Napatingin ako sa kamay ni Caiden nang gumalaw 'yon para kuhanin ang drink niya. Ngayon ko lang napansing suot niya pala ang bracelet na bigay ko.

Kahit gulo-gulo ang isip ko, napangiti ako't napatingin kay Caiden na tutok ang mga mata sa pinapanood habang tipid na sumisipsip sa straw.

Did he plan this? If so, how? How did he plan all of this?

Inilapag na ni Caiden ang inumin niya at saktong napatingin din siya sa akin. Maaliwalas ang kaniyang mukha 'saka maamong ngumiti sa akin.

Inabot niya ang gilid ng labi ko't pinahid 'yon. "What's the matter, baby?" He whispered.

Napangiti ako 'saka umiling. "Tell me everything about this later. . ." bulong ko.

Mahina siyang natawa. Inilapit niya ang mukha niya sa tainga ko. Nagsitayuan ang balahibo ko sa leeg nang sinadya niyang patamain ang mainit niyang hininga ro'n.

"I love you. . ." he whispered.

Napangiti ako't napapikit nang halikan niya ang pisngi ko. Nagtama agad ang mga mata namin nang umayos na siya ng upo. Suot niya pa rin ang matamis niyang pagngiti.

Inginuso niya ang pinapanood namin kaya sabay kaming mahinang natawa. Binalingan ko na 'yon at nagsimula na ring manood. Kumain na rin ako ng popcorn dahil sobrang dami nito, mauubos ko siguro 'to hanggang sa matapos ang movie.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Alas-tres pasado na rin nang natapos ang movie. Hindi naman gaano marami ang nanood. Kami nga lang ni Caiden ang nasa likod, halos lahat ng mga nanonood nasa unahan. Pero hindi ako hinalikan ni Caiden kasi may nagbabantay sa gilid.

Tinulungan din ako ni Caiden ubusin 'yung popcorn na binili ko, dahil 'yung pinakamaliit 'yung binili niya para sa kaniya kaya naubos agad.

Magkahawak ang mga kamay namin habang naglalakad kami palabas sinehan. Iniiwasan kong tumingin sa mga tao para hindi ako mahiya. Nag-focus lang ako sa presence ni Caiden at sa mga kamay naming magkahawak.

"Are you hungry? Gusto mo ba mag-snacks? Gusto kong alisin sa bibig ko 'yung lasa ng popcorn," sabi ni Caiden at mahinang natawa.

Mahina rin akong natawa. "Sige, mag-DQ tayo tapos ikuwento mo na sa akin 'yung nangyari. . . hindi ako papayag na hindi ko malalaman," sabi ko kaya mas lalong natawa si Caiden.

Sumimangot ako kaya bumaba ang mga mata ni Caiden sa mga labi ko. "CR muna tayo siguro. . . malaki CR dito sa sinehan, e. . ." sabi ni Caiden.

Hindi na ako nakaapila dahil mabilis niya akong hinigit papunta sa CR.

Ditto Dissonance (Boys' Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon