Chapter 36

9.4K 335 581
                                    

Chapter 36: One is Closer, so is Dissonance

#DittoDissonanceWP

I like this chapter hahaha! enjoy! <3

don't forget to vote tysm! 

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Caiden's Point of View

Sa unang oras ko sa Ginto's, walang dumadating na customer. Kahit pumatak na ang alas-onse, wala pa rin. Natatanaw ko na mas maraming tao sa Tafiti's. It must be Zern's first day, too.

Naupo na lang muna ako sa isang table kung nasaan si Titus, siya pa lang ang unang nagawan ko ng kape ngayong shift ko. Sana mamaya may mga dumating naman, gusto ko ring masanay gumawa ng kape. Pakiramdam ko kasi kapag naka-stand by lang ako, wala akong progress na nagagawa.

"Mamaya pala may meeting daw 'yung department natin, pati 'yung department ng BS Archi. Hindi ko alam kung tungkol saan," sabi ni Titus.

Tumango ako't humalukipkip. "Pre, tingin mo okay lang si Zern? Hindi naman niya dinadala 'yung nagawa ko sa kaniya? Hindi ba 'yon nakadagdag sa kaniya?" sabi ko at napabuntonghininga.

Nangunot ang noo ni Titus. "Kanina mo pa 'yan kinikwento, Caiden. Hindi ka pa rin tapos sa kaka-worry kay Zern. E 'di lapitan mo siya, kumustahin mo. I-close mo. Para ma-sure mong okay lang siya," sabi ni Titus at parang naiirita na.

Sa buong isang oras na pananatili ni Titus dito, natapos na ako magkuwento ng nangyaring almusal kanina, hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung okay lang si Zern. At paulit-ulit ako ng pagbanggit kay Titus no'n.

Hindi ko alam, nagwo-worry ako na hindi ko maintindihan. Mas nag-sink in lang kasi sa akin nang mas mabuti na mabait si Zern, at mabuti siyang tao. He's nice in general. Tapos tinrato ko siya nang gano'n. Nagi-guilty ako na ewan. Parang gusto kong bumawi. Gusto kong mas maging mabait sa kaniya. Pero hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi naman kasi kami close, para magawa ko 'yon. It would be awkward kung bigla ko na lang siyang aalukin maging friends or mag-hang out. Ewan ko. Fuck. . .

Iniisip ko rin kasi na baka mailang siya sa akin, since sobrang iwas niyang tumingin no'ng magkasama kaming mag-almusal. Kaya mas lalo akong na-bothered.

Paano kung mawalan siya ng gana makipag-friends dahil sa akin? Dahil tinrato ko siyang parang basura. Paano kung hindi na siya maging sweet sa friends niya? Mukha naman siyang sweet person. In general, paano kung malaki pala 'yung naging epekto sa kaniya no'ng ginawa ko? And I'm just here. . . sitting.

Kahit kinonvince ko na ang sarili ko kanina habang naliligo na sundin na lang ang sinabi ni Magnus na hayaan na lang kasi baka mas lumala lang—hindi ko magawa. Naba-bother pa rin ako. Iniisip ko pa rin nang iniisip.

Maybe because I care. . . and I realized my mistakes. I'm also aware that a simple sorry cannot fix bullet holes. Kaya may urge sa akin na gumawa ng something more to let him know na I'm sorry. And I was hoping na hindi siya naapektuhan no'ng ginawa ko masyado. Kaya kung naapektuhan siya nang malala, at least sana nakatulong 'yung gagawin kong nice for him para hindi na niya masyadong damdamin 'yung nagawa kong mali. Right? Or am I overthinking?

"Pre. . . ano, natulala ka na?" sabi ni Titus at tinapik ako sa braso. "Kung ako sa 'yo, kino-close ko na si Zern. Hindi 'yung inii-stress mo 'yang sarili mo. Sinabi na nga ni Magnus sa 'yo, 'di ba, na hayaan mo na lang. Pero ikaw 'tong hindi pa rin matahimik, e 'di kausapin mo si Zern. Makulit ka, e," sabi ni Titus.

Napabuntonghininga ako. "It would be awkward kung iko-close ko siya bigla," sabi ko.

"E 'di maging natural ka. Maging mabait ka lang. Ikaw bahala, pre. Kung anong gusto mong gawin para kay Zern. Parang lumalabas kasi, gusto mong bumawi nang todo-todo. Hindi ka nakuntento sa sorry na sinabi mo. E 'di, bumawi ka na lang sa ibang paraan. Ewan ko, pre. Hindi ko alam kung anong gusto mo mangyari, ikaw bahala," sabi ni Titus at binalingan na ulit ang phone niya.

Ditto Dissonance (Boys' Love)Where stories live. Discover now