Chapter 60

10.8K 389 390
                                    

Chapter 60: To Live

#DittoDissonanceWP

hi guys, you can play these two songs:

one day at a time - unsecret

the archer - taylor swift

as you read this chapter.

i just wanted to thank all of you for giving my story a chance. i wrote ditto dissonance last December to create something to distract me from stress and anxiety. It became a huge part of me. so, thank you for joining me up until now. sobra kong na-appreciate kayong lahat na nagbabasa up until now. :(

please do read this chapter very well, so you can understand it clearly as well.

thank you so much guys! enjoy and don't forget to vote.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

Caiden and I only did it once. Hindi ko na siya pinayagan na dumalawa dahil hinihintay na ako nina Leroy at Ashton sa baba. Sinabi ko nga na bumaba pa siya, kaso inaantok na siya. Hindi na nga siya nakapag-half bath at deretso na nakatulog.

Natutuwa nga ako dahil mas nagiging open kami sa isa't isa tungkol sa mga gusto naming mangyari sa aming dalawa. Alam namin parehas 'yung consent at hindi kami nagi-insist if hindi puwede or humindi ang isa sa amin.

I like that he always respects my decision. Kahit gusto niyang masunod siya, mas sinusunod niya pa rin ang desisyon ko.

Gustong-gusto ko rin 'yung intimacy na nabubuo sa amin sa tuwing nagkakaroon kami ng connection. Kapag nagdikit na ang mga labi namin, kung ano-ano na lang ang lumalabas sa mga bibig namin dahil ramdam na ramdam namin ang isa't isa. At ang tanging gusto namin parehas ay mas maramdaman pa ang isa't isa.

That's what intimacy creates. It makes us fond of each other.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Kinuwento ko kina Leroy at Ashton ang nangyari no'ng isang gabi. Hindi naman na sila nagulat dahil sobrang halata naman na si Caiden no'ng mga nakaraang linggo.

Palagi siyang nakadikit sa akin, at palagi niya akong hinahanap. Hindi na rin siguro nakagugulat if napansin na rin ng mga kaibigan ni Caiden. Pero si Caiden na siguro ang bahala ro'n kung sasabihin niya sa kanila.

Na-mention ni Leroy kung paano ako nagustuhan ni Caiden, 'yon ang hindi ko pa alam. Gusto ko rin 'yon itanong sa kaniya. Naiisip ko rin 'yon minsan kung paano nagsimulang mabuo sa kaniya ang lahat.

Hindi ko naman dina-doubt ang nararamdaman ni Caiden sa akin, gusto ko lang malaman kung paano niya na-realize na gusto na pala niya ako. Sinabi niya rin kasi na sigurado na siya sa akin—kaya gusto ko ring itanong if bakit siya sigurado sa akin. Kung paano siya nag-come up sa gano'ng desisyon.

Hindi gaano nag-react si Ashton, pero naging masaya siya para sa akin. He trusts Caiden's actions and words, because I also do. Ashton reassured me that.

He's not worried about me, because I look happy and assured of what Caiden and I have—which is true. Never kong na-feel na may kailangan akong patunayan kay Caiden. First relationship niya rin 'to at kitang-kita ko kung paano niya vina-value 'yung mayroon kami—kung paano niya pa 'to gustong mag-develop pa sa mas magandang samahan.

Ditto Dissonance (Boys' Love)Where stories live. Discover now