Chapter 67

7K 280 100
                                    

Chapter 67: After Every Beginnings

#DittoDissonanceWP

Hello! Thank you for waiting! <3 You can search for me on Facebook para mas maging updated kayo sa mga announcement about Ditto Dissonance and future stories! <3

ENJOY AND DON'T FORGET TO VOTE!

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

Alam kong sa susunod na mga araw, lilipas lang ang oras nang napakabilis. Hindi na lang namin mamamalayan na tapos na pala ang unang semester.

Pero ang pinaka mahalaga rito, nagfo-focus kami sa kung paano namin mapapahalagahan ang bawat araw na dumaraan.

Nakabibitin? Minsan. Lalo na kapag masaya.

May mga araw namang gusto ko na lang din matapos para makapagsimula na ng bagong araw kinabukasan.

Halo-halo, e.

Mahirap maintindihan, pero baka hindi naman talaga kailangan maintindihan. Baka mas mabuting hayaan na lang lumipas.

Katulad na lang ng araw ngayon, October 6 na pala. It's been a month since Caiden and I made it official. It's a special day for us. A day that we won't even want to end.

Dinala ako ni Caiden sa isang overlooking. Puwedeng mag-picnic. Mahangin at katamtaman lang ang ingay ng mga tao. May mga puwedeng bilhan ng pagkain sa gilid-gilid. May mga picnic table rin na puwedeng pagpuwestuhan, pero mas pinili namin ni Caiden maglatag ng sapin sa damuhan.

Nagdala ako ng mga chips at wafer, lahat 'to nakalagay sa isang basket. Bumili na lang kami ni Caiden ng inumin along the way. Bumili na rin kami ng isang box ng donut, half-dozen na Korean Chicken, at maliit na pizza.

"It's good that we picked the right spot. . . hindi matao banda rito," sabi ni Caiden habang nakatitig sa akin at bahagyang hinahangin ang kaniyang buhok.

Nakatupi ang isa niyang binti habang ang isa ay nakatuwid. Nakadantay ang isa niyang kamay malapit sa akin habang ang isa ay nakapatong sa tuhod.

Nagre-reflect nang maigi ang sinag ng araw sa kulay luntian niyang mga mata. Nakaawang ang kaniyang mga labi at mas nadedepina nang maigi ang kaniyang makapal na kilay at mahahabang mga pilikmata dahil sa liwanag na tumatama sa mukha niya.

Maamo lang akong ngumiti sa kaniya bago nilingon ang magandang tanawin. Ilang oras na lang lulubog na rin ang araw.

I straightened both of my legs and put both of my arms behind me. I took a deep breath as I stared at the beautiful horizon.

There are trees from afar that dance along with the wind. Some mountains were shaped like the back of the camel. It was breathtaking. It comforted me, and it let me rest my mind freely.

My gaze went to Caiden-he was still staring at me. His eyes were soft as a cloud. His lips are still parted.

I chuckled softly. "Ang ganda rito, Caiden. Nakarerelax ng isip," malambing kong sabi.

Binasa niya ang kaniyang mga labi 'saka lumibot ang mga mata niya sa mukha ko. Humugot siya ng malalim na paghinga bago tipid na ngumiti.

"I love this place because I'm with you. My heart's pounding like hell by just staring at you. From the beginning until now, my heart still beats for you endlessly. My schmaltzy eyes look at you evocatively. I will always cherish every second that I spend with you. I am beyond elated that I can never imagine how lucky I am to be chosen by such a wonderful person as yourself," Caiden almost whispered by how he spoke.

Ditto Dissonance (Boys' Love) Where stories live. Discover now