Chapter 23

8.5K 303 11
                                    

Chapter 23: What's Coming?

#DittoDissonanceWP

hello, sorry sa late update. nagkasakit kasi ako sorimasen. pero ito na, enjoy! bukas ang chapter 24! 

don't forget to vote, thank you!

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

Nakahinga ako nang maluwag nang tumayo na ang grupo nina Caiden para umalis. Tiningnan ko siya pero hindi na siya tumingin ulit pabalik. Samantalang kanina, tingin siya nang tingin. Nare-realize na ba niya 'yung sinabi ko kanina? Mabuti 'yan. Maging mabait na siya sa ibang tao. Kahit 'wag na niya ako kaibiganin, i-apply na lang niya sa iba 'yung sinabi ko.

Nakakainis lang na hindi niya magawang maging mabait sa ibang tao. Akala niya siya lang nakakaranas ng hirap sa buhay para gawin niyang excuse 'yon to be rude to anyone. Meron din kaming problema, accla. Feeling main character talaga 'yon lalaking 'yon, e. Kung pa-main character kami ni Leroy, first honor 'yung bwisit na 'yon.

Sana sa susunod na mga araw, hindi na lang din kami talaga magpansinan dahil hindi ko siya papansinin. I-ignore ko siya palagi. Para matigil na rin siya sa kakaputak niya ng mga homophobic niyang mga salita. Akala niya lumalaki muscle niya kapag nangmamaliit siya ng bading amputa. Mukhang nabibwisit na rin naman talaga siya sakin, e. E 'di good. Walang pansinan!

'Pagkatapos namin kumain ni Mishael ay nagpunta kami sa tiangge para bumili siya ng coin purse. Madalas din siya mag-phone. Inu-update siguro jowa niya. Wala namang chat sa akin si Mama or sina Leroy. Baka nagpapahinga na 'yung dalawang 'yon.

Inaya pa ako ni Mishael maglibot at sumakay sa rides kaso tumanggi ako dahil kailangan ko na rin umuwi. May mga gagawin pa ako at matutulog na ako nang maaga dahil may pasok bukas. Alas-nuebe pa ang unang klase ko. Sana lang walang biglaan na meeting sa org na 'yan, please lang putangina. Bwisit kasi naging president pa. Dagdag responsibilidad amputa. Talaga naman, oo!

Pasado alas-nuebe na rin nang nakabalik kami sa university. Nagtatawanan pa kami ni Mishael dahil sa kinikwento niya habang naglalakad kami pababa sa elevator, nang bigla akong nagulat dahil nadatnan naming nakaupo sa hallway sina Ashton at Leroy.

"Anong ginagawa ninyo diyan?" sabi ko at gulat na gulat pa rin.

Tumayo na sila. Ngumiwi naman si Leroy sa akin pero binalingan din si Mishael.

"Hello, Mishael," sabi ni Leroy.

"Hi. . . hinahanap ninyo si Zern? Kumain lang kami. Tinupad ko lang 'yung pangako kong libre kasi tinulungan niya ako kahapon mag-unpack," sabi ni Mishael at mahinang tumawa.

"Oo, aayain namin lumabas. Wala kaming magawa ni Ashton, e. Kaya guguluhin namin ang nananahimik na buhay ni Zern," sabi ni Leroy at ngumiti sa akin nang nakakaasar.

I hissed silently. "Marami akong gagawin, Leroy. Dalawang activity. Inaya pa nga ako ni Mishael maglibot sa perya, kaso inaya ko na siya umuwi. Kayo na lang ni Ashton, mukha namang magka-club kayo," sabi ko.

"Kahit tumanggi ka nang one hundred times, isasama pa rin kita. Hintayin ka namin ni Ashton matapos 'yung activity mo," sabi ni Leroy at mas nilawakan pa ang mapangasar niyang ngiti.

Nakikitawa lang si Mishael kaya bigla ako nahiya dahil lalabas na 'tong kabadingan ni Leroy. Hindi ko ma-trash talk dahil maririnig ni Mishael. Nababaliw na naman 'tong si Leroy at panigurado dinamay niya lang si Ashton.

Ditto Dissonance (Boys' Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon