Bakit Bilog Ang Mundo

4 1 0
                                    

Para sa mga adik sa Sting (gawin niyo na akong Ambassador haha!).

Para sa mga todo tipid dahil gustong yumaman.

Para sa mga panay ang taya sa Scratch It!

Para sa mga empleyadong wash and wear.

Para sa mga rich kid na pangarap makapagsiga ng apoy para magsaing.

Mga tropa...

Bakit nga ba bilog ang mundo?





****





Elementary pa lang ako tanong ko na yan sa mga kalaro ko.

Bakit nga ba bilog ang mundo?

Sabi nila, gumagalaw daw kasi yung mga ulap. Ako naman si uto-uto, panay ang tingala sa langit. Legit mga tropa hahaha! Para siyang lumilibot na ewan.

Pero nagtataka talaga ako kung bakit sinusundan ako ng buwan kapag naglalakad ako sa gabi. 'Pag tatakbo ako, nakasunod pa rin. Buti nga 'di napasok sa bahay.

Okay, waley haha!

****

Bakit Bilog Ang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon