Karma

1 0 0
                                    

Habang nagsusulat ng serial numbers ng cash pull-out sa office ay may nakita akong cellphone. May nakadikit na note na "Lost And Found". Ang gara lang haha! Bagong-bago pa kasi. Tapos tatlong araw pa lang nakakalipas.

Kinalikot nga ni ser yung phone haha! Nagsha-shining shimmering pa ang case. Kaso di na mabuksan. Lowbat na siguro.

Sabi ko naman, "Baka pwedeng akin na lang 'yan ser kapag hindi binalikan ni customer?"

Natawa lang si ser haha! Pero may phone naman ako kaya hindi ko na muna kailangan ng bago. Lalo na't galing sa Lost And Found.

Tapos sabi naman ni ser, "Baka ikaw ang mawalan kapag kinuha mo yan."

Tumawa lang ako. Pero napaisip ako sa sinabi niya. I do believe in good and bad karma. Doble ang balik sayo ng lahat ng gagawin mo. Kaya dapat na mainam na pag-isipan muna ang mga bagay na gagawin bago magsisi sa huli.





****

Ser: May dalawang phone pa riyan sa vault. Kaso biglang nawala.

Ako: Baka binalikan na ng customer?

Ser: Baka nga... (tapos natigilan) o baka naman may kumuha?

Feeling ko makukulong 'to ng maaga si ser HAHAHA! Lakas mambintang wala namang ebidensya XD

****

Bakit Bilog Ang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon