Gatas

0 0 0
                                    

Natutuwa talaga ako kapag nakakakita ako ng kakilala mula high school na nagiging customer namin sa store. Simpleng "Hi!" at "Hello!" lang feeling ko nasa high school pa rin ako haha!

One time naging customer namin yung naging classmate ko noong high school. Simpleng kamustahan lang at tanungan kung ano na ang ganap sa mga buhay namin.

Partida mahaba ang pila niyan haha! Forda chika ang mga ferson...

Pero ewan ko ba! Pag nagkikita kita kami ang lagi nilang tanong sakin ay kung ilan na raw ba ang anak ko. Akala yata ng mga ito nakatunganga lang ako sa bahay haha!

So yun na nga. Tinanong ako nitong dati kong classmate.

Classmate: Ano na inday? Ilan na ba anak mo?

Ako: Isa lang. Mahal ang gatas.

Classmate: (natawa) Baliw ka talaga!

Pero seryoso. Bukod sa ibang bilihin, pati gatas nagmamahal na rin. Kaya nga hindi na ako ulit nag-asawa para hindi na madagdagan ang anak ko.

Pero kung may lalaking gusto na kahit hindi na ako magkaanak sa kaniya ay forda go ang Disney princess!

Charizz haha!

****

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bakit Bilog Ang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon