Unli Rice

0 0 0
                                    

Noong isang araw kumain kami ng mga kapatid ko sa Mang Inasal. Forda gutom na talaga ako nito kasi hindi ako kumain ng tanghalian. Haha! Naglinis kasi ang inyong Disney Princess. Jusko eleven ako ng umaga nagsimula. Natapos na ako alas singko ng hapon.

Medyo humahapdi na noon yung tiyan ko. Pero habang naglilinis ako nagpaplano na talaga ako noon na kakain ako sa Mang Inasal.

Gusto ko maranasan yung unli rice nila bleh!

So pumunta na nga kami doon. Sinama ko na yung anak ko. Nag-park kami sa Jollibee kasi few blocks away lang naman yun sa Mang Inasal. Habang nagpa-park natatawa yung kapatid ko. Sa Mang Inasal daw kami kakain, pero sa Jollibee kami nag-park.

Tuwang-tuwa naman ang mga kids. Umu-order na kami sa counter nang tinanong nung kapatid ko kung pati yung drinks unli din. Natawa talaga ako hahaha! Sabi ko hindi. Bumira pa ang loka! Dapat daw unli din kasi unli rice naman sila.

Ehem! Mang Inasal... baka naman hahaha!

****






Gusto pa namin mag unli rice. Sabi ko sa kapatid ko na tawagin niya yung rice server.

Kapatid: Ikaw na ate. Taga rito ka naman eh.

Nag-duty kasi ako ng fifteen days sa Mang Inasal upon opening ng store nila.

Akala yata nito sa Mang Inasal na ako hahaha! Syempre loyal ako sa Jabee :)

****

Bakit Bilog Ang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon