Scratch It!

1 1 0
                                    

Alam niyo yung kinikiskis na card sa lotto outlet? Yung tig bente?

May katrabaho ako dati na ang hilig hilig nito. As in everyday siyang nabili ng Scratch It!

Hindi naman kasi ako nagpapaniwala sa mga ganyan. Para sa akin kasi, pagsasayang lang ng pera ang ganyan. Hindi mo naman alam kung mananalo ka ba o ano.

Pero ito. One time! Nanalo siya ng seventy five thousand haha! Tuwang-tuwa kami no'n kasi nanlibre siya ng pagkain. Syempre ako dakilang usi nagtanong.

Ako: Paano ba iyang Scratch It! na yan?

Siya: Bibili ka lang nyan ate sa lotto outlet. Tig bente. Tas kiskisin mo.

Kinabukasan bumili agad ako. Syempre isa muna. Tuwang-tuwa pa ang gaga na nanalo ng bente hahaha! Balik taya lang. Bumili ulit ako. Tatlo na.

Unang kiskis wala. Sabi ko baka eme lang. Sa pangalawa wala pa rin. Naurat na ako nung sa pangatlo wala pa rin! Nubayan! Sixty pesos din yun!

Kung pinangkain ko na lang nabusog pa ako.




ARAL: Huwag bumili ng tatlong Scratch It! Lima dapat para more chances of winning hahaha!

****

Bakit Bilog Ang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon