Working

2 0 0
                                    

One time nagpa-exam ako ng ten applicants sa work. Forda hiring kasi ang mga bossing. Medyo kinukulang na kasi kami ng crew. Pagpatak lang ng January jusko ang daming nag-resign. Magma-Manila raw.

Well, maganda naman kasi ang pasahuran sa Manila. Pero lamang pa rin ang expenses. Lalo na kung nangungupahan ka lang tapos papadala ka pa sa probinsya. Parang sa probinsya ka rin lang nagtrabaho. May pagkasosyal nga lang haha!

So, yun na nga. Habang nagpapa-exam panay ang tsismisan ng mga senior high OJT ferson na mga katabi ko lang. Study time daw nila. Suskupo! Ni hindi nga nalilipat yung page ng task checklist haha!

Tinanong ako ng isang OJT.

OJT1: Ma'am, pwede po ba mag-apply kahit hindi ka pa eighteen?

Ako: Hindi.

OJT1: Ay sayang!

Ako: Saka ka na mag-apply kapag eighteen ka na.

OJT1: (natawa) July pa po birthday ko Ma'am.

Ako: Eh, 'di sa July ka na lang mag-apply.

Tawanan naman ang mga timang. Kahit ako natawa haha! Akala yata ng mga batang 'to napakadali lang magbanat ng buto. Kung alam lang nila na halos malipasan na kami ng gutom sa trabaho maka-income lang. Hays...

Sumabat pa yung isang OJT.

OJT2: Brad pagkatapos na lang ng birthday mo. Kinabukasan apply ka agad.

Ako: Sa mismong birthday mo na lang. 'Di ba eighteen ka na no'n?

Naghagalpakan ng tawa yung mga timang. Pati yung mga nag-e-exam natawa hahaha!





****

Out of ten, dalawa yung hindi nakapasa. Oh, well! Gano'n naman talaga ang buhay.




ARAL: Huwag makinig sa mga chismosa para pumasa sa exam.

****

Bakit Bilog Ang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon