Ice

1 1 0
                                    

Kahera days na medyo lutang haha! Pag peak hours talagang mapapamura ka sa inis. May mga customer kasi na sa itinagal-tagal nilang nakapila ay hindi pa pala nakakapili ng order pagdating sa counter. Pag mga ganitong moment may time pa ako noon magmuni-muni.

Like, ano kaya kakainin ko pag break time?

****



Ako: Drinks niyo po ser? Coke or iced tea?

Customer: Coke.

Ako: Large na?

Customer: Hindi. Regular lang.

Ako: May Coke po ba ang ice?

Panay lang punch ko. Pagtingin ko sa customer nagpipigil na sa pagngiti. Pero yung mga katrabaho ko kulang na lang bumulagta sa kakatawa. Medyo nagtaka pa ako. Tas nung maalala ko yung tanong ko shuta natawa na rin ako haha!

Kakahiya kay ser! Buti na lang for To Go yung order. Hindi ko rin nakita ang pagmumukha niyang mukhang pinagtatawanan na ako.

****




Break time ko noon sa trabaho. Inalok ako ng katrabaho ko ng tubig. Tinanong ako kung may ice. Sabi ko wala. Natawa siya. Bakit daw ayaw ko sa tubig na may ice? Pero pag nainom daw ako ng Sting isinasalin ko pa sa baso na puno ng ice?

Medyo nagtaka rin ako sa sarili ko haha!

****

Bakit Bilog Ang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon