Afam

0 0 0
                                    

I had a boyfriend last year na walang ginawa kundi bigyan ako ng anxiety. Kung alam ko lang na gano'n ang mangyayari, sana hindi ko na lang siya binigyan ng chance na maging boyfriend ko.

Buti na lang nag-break na kami hahaha!

As of now, wala akong boyfriend. Forda single ang ferson hehe!

Masaya naman maging single. Nagagawa ko ang mga bagay na hindi na kailangan ng approval ng ibang tao. Like, kapag may gala kayo, or aalis ng bahay. O kaya naman may gagawin. Nakaka-stress lang na pati pagkain dapat ipagpaalam pa. Sa bahay nga hindi na ako nagpapaalam. Basta may pagkain chibog agad haha!

****



One time may customer kaming mag-jowa. Kano yung lalaki. Mga katrabaho ko kasi nasobrahan sa katimangan. Panay ang "Hello Joe!" Tapos paulit-ulit pa yan haha!

Workmate: Sana all may Afam...

Ako: Mag-Afam ka rin para di ka nagsasana all.

Workamate: Nako Ma'am! Malapit na. Ikaw single ka rin. Mag-Afam ka na rin.

Ang gaga dinamay pa ako! Pero good idea rin yun. Ang tanong kung magugstuhan ako ng Afam haha!

****

Bakit Bilog Ang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon