Chapter 15: Amo

391 5 0
                                    

Read at your own risk. Typography errors ahead. This chapter is not yet edited.

*****
Chapter 15: Amo

KINABUKASAN...

"I'M sorry, Ate Leigh, sa ginawa kong gulo kahapon at sa pag-alis ko kahit hindi pa tapos ang duty ko at walang paalam sa'yo." nakayukong sabi ni Davina sa amo na si Leigh na kapatid ni Chriz.

Nasa opisina ni Leigh sa coffee shop si Davina ng mga oras na iyon matapos ang klase niya sa Med School para humingi ng pasensya sa ginawa niyang gula kahapon at sa pag-alis niya ng coffee shop kahit hindi pa tapos ang duty niya at isa pa, hindi rin siya nagpaalam kay Leigh na aalis siya.

Nilapag ni Davina ang hawak na puting papel sa lamesa ng amo nang hindi magsalita si Leigh. Ang papel na iyon ay naglalaman ng resignation letter niya dahil nahihiya na si Davina sa amo. Ilang beses na nagkagulo sa coffee shop kahit ilang linggo palang simula ng tanggapin siya niyo sa trabaho.

"Magre-resign ka dahil lang sa nangyari kahapon? Davina, wala kang kasalanan sa nangyari kahapon dahil kung tutuusin, kayo ang agrabyado lalong-lalo na si Draven." sabi ni Leigh nang mabasa ang papel na nilapag ni Davina sa lamesa.

"Ate Leigh, nahihiya na ako sa'yo. Simula nang dumating ako rito, puro gulo na ang dala ko. Malaki ang utang na loob ko sa'yo sa pagtanggap mo sa akin dito sa coffee shop mo at sa pagbibigay ng tuitor session kay Draven. Tapos, gulo ang ibabalik ko sa'yo, kaya mas magandang umalis na lang ako." sabi ni Davina nang mag-angat siya ng tingin kay Leigh.

"Davina, hindi mo kailangan umalis. Nakita ko mula sa CCTV na hindi sinasadya ni Draven na mabangga ang babae at pinagtanggol mo lang ang sarili mo." sabi ni Leigh na ikinailing ni Davina.

"Ayokong mag-isip o may masabi ang ibang empleyado ng coffee shop na ito ng hindi maganda tungkol sa'yo kapag hindi ako umalis, Ate Leigh. Baka sabihin nila na nagpapaawa ako sa'yo na huwag mo akong tanggalin dahil may anak ako. Tama iyong babaeng customer, hindi ko dapat dinadala ang anak ko sa trabaho dahil hindi ko siya natututukan at nababantayan. Pabaya akong ina." sabi ni Davina bago napayuko ng ulo nang maramdamanan ang pagtulo ng mga luha niya na agad niyang pinunasan.

Nakikita ni Leigh na malaki ang epekto kay Davina ng nangyari kahapon dahil nangingitim ang ilalim ng mata nito na halatang walang tulog at halata rin na hindi ito pumasok sa Medical School dahil hindi ito naka-uniporme at alas-dos ito pumunta roon na dapat alas-kwarto kung pumasok ito dahil iyon ang oras ng tapos ng klase ni Davina. Hindi rin kasama ni Davina ang anak nito dahil siguro nagkaroon ng trauma ang bata dahil sa nangyari kahapon.

Napabuntong-hininga si Leigh dahil hindi niya makumbinsi ito na manatili sa coffee shop. Tumayo siya sa pagkakaupo sa upuan niyang de-gulong at lumapit kay Davina. Iniangat niya ang ulo ng dalaga at pinatingin sa kanya. Pinunasan din ni Leigh ang luha ni Davina na lumandas sa pisngi nito.

"Davina, hindi ka pabayang ina. Huwag kang makikinig sa sinasabi ng iba sa'yo dahil ikaw ang pinakamabuting ina na kilala ko. Huwag kang magpapaapekto sa iba dahil ikaw ang mas nakakakilala sa sarili mo. At isa pa, mababait ang mga empleyado ko dahil working students din sila katulad mo. Sa katunayan, sila ang nagsumbong sa akin sa ginawa ng babaeng customer kay Draven at nakiusap sila na huwag kitang tanggalin dahil sa nangyari kasi wala kang kasalanan o kahit si Draven. Hindi mo kailangan umalis dito dahil alam kong kailangan mo itong trabaho mo rito para sa pangangailangan ng anak mo." nakangiting sabi ni Leigh kay Davina.

"Sinasabi niyo lang iyan dahil naawa kayo sa akin. Hindi ko po kailangan ng awa ninyo." sabi ni Davina na ikinangiti ni Leigh.

Magsasalita na sana si Leigh nang may kumatok na tatlong beses sa pinto ng opisina bago iyon bumukas kahit wala pa siyang sinasabi.

The Doctor's True Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now