Chapter 46: Kayaman ng Magulang

273 1 0
                                    

Read at your own risk. Typography errors ahead. This chapter is not yet edited.

*****

Chapter 46: Kayamanan ng Magulang

"DEDE ka na, baby." kumukuhang sabi ni Aryanna sa anak nang biglang magsalita si Kaira na ikinagulat nito sa biglaang pagsasalita ng nakakatandang kapatid.

"Hindi siya titigil sa pag-iyak at patuloy niyang iluluwa ang nipple mo dahil wala siyang nakukuhang gatas sa'yo." sabi ni Kaira na napangiti nang lihim dahil halatang pokus ito sa anak na isa sa magandang ugali ng isang ina.

"Kanina pa masakit ang dibdib ko dahil puno ng gatas pero bakit wala siyang nakukuha? Kailangan niyang dumede dahil gutom na siya, Ate." umiiyak na sabi ni Aryanna bago napatingin sa anak na patuloy pa rin sa pag-iyak.

"Tita, pwede mo ba akong kuhanan ng maligamgam na tubig at bimpo. You can ask sa nurse station." sabi ni Kaira sa ina ni Aryanna na si Maeve na tumango bago umalis.

"Akin na muna ang baby mo. And please, stop stressing yourself." sabi ni Kaira bago kinuha ang sanggol sa bisig ni Aryanna bago itinaas ang damit nitong nakalihis para matakpan ang dibdib nitong namumutok naman pero walang lumalabas na gatas.

Tumayo si Kaira buhat ang anak ni Aryanna para pakalmahin ito dahil namumula na ang sanggol sa kakaiyak nito. Bahagyang hinele ni Kaira ang sanggol na medyo kumalma sa pag-iyak pero hindi pa rin tumitigil dahil mahina itong umiiyak na nakakaawa dahil halatang gutom na ito.

"Kaira, ito na ang pinapakuha mo." sabi ni Maeve na kapapasok lang ng silid at may hawak itong stainless  na plangganita na may lamang maligamgam na tubig at bimpo.

"Salamat po. Ikaw po muna magbuhat kay baby, asikasuhin ko po muna si Aryanna."  sabi ni Kaira na ikinatango ni Maeve bago nilapag sa side table ang hawak na plangganita at bimpo pagkatapos ay dahan-dahan na nilipat ni Kaira ang sanggol sa bisig ng ina ni Aryanna.

"Shh, tahan ka muna, apo. Makaka-dede ka rin, ha. Kalma ka muna." pag-aalo ni Maeve sa apo na patuloy na umiiyak pero hindi na ganoon kalakas ang iyak nito katulad kanina.

Lumapit sa kabilang gilid ni Aryanna si Kaira at umupo sa gilid ng hospital bed. Kinuha ni Kaira ang bimpo at plangganita sa side table pagkatapos ay nilubog niya ang bimpo sa maligamgam na tubig at piniga iyon.

Nakatitig lang si Aryanna sa ginagawa ni Kaira nang akmang ililihis nito ang hospital gown na suot niya ay mabilis niyang inayos ang suot.

"Huwag." sabi ni Aryanna na ikinabuntong-hininga ni Kaira nang makita ang pagkailang sa mukha ng kapatid.

"Kailangan natin punasan ang nipple mo. There are possibilities na may nakaharang sa labasan ng gatas sa nipple mo kaya walang lumalabas o nakukuhang gatas ang anak. Itong bimpo, kailangan ipahid sa dibdib mo para mawala ang harang o namuong gatas para maka-dede na ang anak mo dahil nakakaaawang marinig ang iyak ng baby mo." sabi ni Kaira na ikinatingin ni Aryanna sa hawak niyang bimpo bago napatingin sa dibdib nito.

Malaki iyon kaysa noong hindi pa siya nabubuntis o nagkakaanak, marahil dahil sa puno iyon ng gatas kaya malaki. Masakit nga iyon kanina pa dahil namumutok iyon pero ayaw naman lumabas ng gatas.

"Kunin mo na ang bimpo at punasan mo ang nipple mo. Naawa na ako sa iyak ng anak mo. Nakakadurog sa puso ng isang ina kapag naririnig na umiiyak ang anak." sabi ni Kaira kay Aryanna nang napatingin ito sa kanya.

The Doctor's True Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now