Last Chapter: In The Stars

414 3 0
                                    

Read at your own risk. Typography errors ahead. This chapter is not yet edited.

*****

Last Chapter: In The Stars

TYLER'S PRIVATE ROOM

"HON!" naluluha at hinihingal na tawag ni Kaira sa asawang si Tyler na nakahiga sa hospital bed nito pagkapasok niya sa pribadong kwarto ng asawa sa hospital na iyon.

Mas lalong bumagsak ang mga luha ni Kaira nang makita ang kalagayan ng asawa. Sobrang putla ng mukha ni Tyler at ang mga labi nito ay wala ng buhay dahil sa sakit nitong cancer na tuluyan ng kumalat sa katawan nito at ilang araw o minuto na lang ang nalalabi nito sa mundo. Sobrang laki ng ibinagsak ng katawan nito kaysa noong wedding anniversary nila ng asawang si Kaira na ilang buwan na ang nakakaraan. May nakasuot ring beanie sa ulo nito para maitago ang natitira nitong buhok na unti-unting nalalagas.

Halata rin ang labis na panghihina ng katawan ni Tyler dahil hindi na rin nito nagagawa pang tumayo o kumilos ng mag-isa kagaya ng dati kaya nakaratay na lang ito sa kama ng hospital.

Napangiti si Tyler nang makita ang asawang si Kaira na pumasok sa kwarto niya dahil kanina niya pa ito hinihintay para magpaalam bago niya ipikit ang mga mata niya dahil ramdam na niya ang labis na panghihina ng katawan niya at alam niyang ito na ang huling araw o beses na makikita at makakausap niya ang asawa.

Mas lalong lumaki ang ngiti sa labi ni Tyler nang makitang nakasuot ng pangdoktor na uniform ang asawa at may nakasukbit din sa leeg nitong stethoscope... Masaya siyang makita sa huling pagkakataon na ganoon ang suot ni Kaira kung saan sumisimbolo iyon na natupad na ng asawa ang pangarap nitong maging doctor

[PLAY: In the Stars by Benson Boone]

Naluluhang lumapit si Kaira sa asawa at agad itong niyakap nang  makalapit siya kay Tyler bago binaon ang mukha niya sa malapad na dibdib nito. Napaluha si Tyler nang maramdaman ang nasasaktang hikbi ni Kaira habang nakayakap nang mahigpit ang asawa niya sa kanya na parang ayaw siyang pakawalan.

"Hon, huwag mo akong iwan, pakiusap! Hindi ko kaya! Hindi ko kayang mawalan ulit ng minamahal! Gagaling ka pa!" umiiyak na sabi ni Kaira habang nakayakap sa asawa na ikinatulo ng mga luha ni Tyler.

Alam ni Kaira na ilang oras o baka minuto na lang ang itatagal ni Tyler dahil simula nang isugod nila ito sa hospital ilang linggo na ang nakakaraan matapos nilang mag-celebrate ng wedding anniversary nila ay unti-unting nanghina ang katawan nito dahil tuluyan nang kumalat sa katawan ni Tyler ang sakit nitong kanser.

"I'm sorry. Alam kong sobrang sakit sa'yo nitong paglisan ko sa mundo. Always remember that I love you higit pa sa buhay ko." naluluhang sabi ni Tyler kay Kaira dahilan para mapahiwalay si Kaira sa pagkakayakap sa kanya.

"No! Huwag mong sabihin. Hindi pwede, Hon." umiiling na sabi ni Kaira habang patuloy sa pagtulo ang mga luha nito habang nakatingin kay Tyler.

Napaiwas ng tingin sina Elvira at Maeve sa mag-asawang sina Kaira at Tyler nang maramdaman nila ang pagtulo ng luha nila habang nasasaksihan ang masakit na eksena na iyon sa harapan nila habang ang mga asawa ng dalawang babae ay nakatingin lang sa pag-uusap ng mag-asawa. Nandoon ang dalawang magulang ni Kaira dahil pinatawag ito ni Tyler.

"M-May mga times na I feel bad about myself dahil nasasaktan kita at iiwan kita, kasi hindi mo deserve ang ganitong heartache... I mean, we're all gonna die but not this soon. S-Sobrang sakit sa akin na iwan ka... kayo ng mga anak natin. I don't want to cause another heartache on you. Y-You're strong, pinagtibay na nga kita. Y-You'll need that for our kids, especially for you. P-Please, ingatan mo din ang sarili mo, live a stress free life." nanghihinang sabi ni Tyler sa asawa at napaluha dahil sobrang sakit sa kanya ang mamaalam sa taong mahal niya.

The Doctor's True Love [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora