Read at your own risk. Typography errors ahead. This chapter is not yet edited.
*****
Chapter 21: Hinanakit ng Isang Anak
MINUTES LATER...
AGRAVANTE PHARMACEUTICAL, INC.
"WHAT are you doing here?" tanong ng lalaki sa hindi niya inaasahang bisita na bigla na lang pumasok at hindi man lang nito nakuhang kumatok.
Pinagmasadan ng bisita ang paligid ng palapag ng gusali kung nasaan siya. Maganda ang pagkakayari niyon at alam niyang milyon ang halaga ng ginasto sa gusali iyon o baka nga umabot pa iyon ng bilyon. Ang pagkakayari sa gusali ay gawa sa matibay na salamin na kumikinang kapag tinatamaan ng sinag ng araw. Gawa rin sa mamahaling marble ang kisame at sahig nito. At sa lahat ng kumpanya sa lugar na iyon, ang gusaling iyon ay umangat sa paraan na tinatak nito sa lahat na walang makakatalo rito sa pamamagitan palang ng pagkakabuo nito.
Ang kumapanya iyon ay isang pharmaceutical company kung saan lahat ng mga gamot na ginagawa roon may kalidad ay binibenta sa iba't ibang hospital buong mundo.
"P-Please! H-Help me..." nangangatal ang mga labing sabi ng babae bago bumagsak ang kanyang mga luha nang maalala ang kalagayan ng anak na nasa ICU ng hospital.
"I-Ikaw lang ang makakatulong sa akin...sa amin. P-Please, tulungan mo ako. I-Iligtas mo siya. Nakikiusap ako sa'yo, iligtas mo siya. Kailangan ka niya." tuloy-tuloy na pag-iyak ng babae nang hindi magsalita ang lalaki.
Tuluyang nanghina ang mga tuhod ng babae at napaluhod sa sahig paharap sa lalaki. Napayuko siya ng kanyang ulo habang walang tigil sa pagbagsak ang kanyang mga luha.
“Iligtas mo siya...iligtas mo ang anak ko, Dad, parang awa mo na. Hindi ko kayang mawala si Draven.” umiiyak na sabi ni Davina habang nakayuko ang ulo nito.
"Ililigtas ko ang anak mo ngunit sa isang kundisyon." seryosong sabi ng kinikilalang ama ni Davina na si August.
Napatigil sa pag-iyak si Davina nang marinig ang sinabi ng ama. Pinunasan niya ang mga luha niya bago tumayo sa pagkakaluhod sa sahig at tumingin ng seryoso sa ama.
"B-Bakit ganyan ka? Bakit lahat ng gagawin mong tulong ay may kundisyon o kapalit?" napapiyok na sabi ni Davina sa ama.
"Wala ng libre sa mundong ito, KD. Lahat ng bagay na hihingin mo ay may kapalit. Lahat may kabayaran. Alam mo iyan." seryosong sabi ni August na ikinailing ni Davina.
"Hindi pagtulong ang gagawin mo o sinasabi mo. Ang pagtulong ay bukal sa loob at walang hinihinging kabayaran." umiiyak na sabi ni Davina.
"At anong kundisyon ang hihingiin mo sa akin kapalit ng buhay ng anak ko? Ang pamahalaan ang kumpanyang ito? T*ng*na! Alam mo sa umpisa pa lang na ayokong pamahalaan ang kumpanyang ito dahil hindi ko kayang pamahalaan ito! Ayoko nito! Gusto ko maging katulad ni Lolo. Gusto ko maging doktor. Gusto kong tumulong sa iba na bagay na hindi mo kayang gawin dahil kahit ang sarili mong apo ay hindi mo magawang tulungan!" galit na naluluhang sabi ni Davina sa lalaking prenenteng nakaupo sa upuan nito.
"I'm doing this for your own good, KD." seryosong sabi ni August na ikinailing ni Davina.
"No, Dad! You're doing it for yourself. You're doing it for your own will. Hindi mo alam kong ano ang nakakabuti at nakakasama sa akin dahil kahit kailan hindi ka nagpakaama sa akin...na mas mabuti pa iyong anak mo sa labas, nagawa mong mahalin, bakit ako hindi?" nasasaktang sabi ni Davina sa huling sinabi niya bago napahingang malalim.
"Hindi ako kung sino lang na basta na lang lumapit, lumuhod at nagmakaawa sa harap mo para humingi ng tulong, August Agravante. Oo, hindi mo ako anak pero nanalaytay pa rin sa ugat ko ang dugo mo. Kamag-anak mo pa rin ako. At nananatiling Agravante ang apelyido ko dahil anak ako ng namayapa mong kapatid. At mananatiling apo mo si Draven dahil apo mo siya sa akin na pamangkin mo. Pero bakit ang hirap sa'yo tulungan ako na iligtas siya?" nasasaktang sabi ni Davina sa kinikilalang ama.

YOU ARE READING
The Doctor's True Love [COMPLETED]
General FictionHindi madali ang maging isang single mother. Hindi madali ang mamuhay ng mahirap lalo na at may tinataguyod kang anak. Mahirap ang mga responsibilidad na kinakaharap ang solong ina pero kailangan kayanin para sa anak niya. Itinaguyod ni KD Agravante...