Read at your own risk. Typography errors ahead. This chapter is not yet edited.
*****
Chapter 58: Hindi Perpektong Pagmamahal
DAYS LATER...
NAGISING si Kaira na may malambot na bagay ang lumalapat sa mukha niya. Pagmulat niya ng kanyang mga mata ay bumungad sa kanya ang gwapong mukha ng asawa na sobrang lapit sa kanya dahil hinahalikan nito ang mukha niya.
"Hmm..." nakangiting usal ni Kaira nang lumapat ang labi ni Tyler sa labi niya.
"Good morning, my beautiful wife." nakangiting sabi ni Tyler nang maghiwalay ang labi nila ni Kaira na napangiti habang nakatingin sa kanya.
"Good morning, Hon. Ikaw, ha, pinagnanasahan mo ako habang tulog ako, ha." sabi ni Kaira bago napangisi sa huling sinabi.
"Sa'yo lang naman ako may pagnanasa." nakangisi ring sabi ni Tyler na ikinaikot ng mga mata ni Kaira.
"Happy Birthday, Hon." sabi ni Tyler sa asawa na ikinangiti ni Kaira.
Ganoon kasi si Tyler na kahit kinabukasan pa ang birthday niya ay babatiin na siya nito o minsan ay sinasalubong nila ng alas-dose ng hatinggabi ang araw ng kaarawan niya dahil ang araw na iyon ay memorable day nilang mag-asawa.
Iyon kasi ang araw na sinagot ni Kaira si Tyler sa dalawang taon na panliligaw nito sa kanya kaya sa mismong ika-dalawampung taon na kaarawan niya ay sinagot na niya ito at naging magkasintahan sila kahit palaging nasa Spain si Tyler dahil sa pamamahala nito ng kumpanya ng pamilya nito. At isa pa, iyon rin ang araw na nag-propose si Tyler ng kasal kay Kaira nang mag-tatlong taon na sila bilang magkarelasyon noon at ngayon ay maglabin-walong taon na sila simula ng magkaroon sila ng relasyon.
"Thank you, Hon. Happy anniversary to us. Eighteen years na tayo bukas." nakangiting sabi ni Kaira.
"Sayang nga at hindi tayo umabot ng silver anniversary...twenty-five years. Seven years na lang sana." sabi ni Tyler na ikinatitig ni Kaira sa asawa.
"Hon." malungkot na sambit ni Kaira sa tawagan nilang mag-asawa dahil pakiramdam niya sa tono ng pananalita nito ay namamaalam na ito.
"Hon, gusto ko, when I leave this beautiful world. I don't want you to cry for too long. I want you to look back, to feel good about the life that we had together. I want you to be proud. No guilt, no bitterness, no moping around. Just peace. Kasi ako aalis ako dito nang walang lungkot sa puso ko." sabi ni Tyler na ikinaluha niya ni Kaira.
"H-Hon, para ka namang namamaalam niyan. May isang buwan pa tayo. Huwag mo muna akong iwan. Hindi ko pa kaya." naluluhang sabi ni Kaira sa asawa bago niyakap si Tyler habang nakahiga pa rin dilang mag-asawa sa kama nila.
"Tama, may isang buwan pa." pilit ang ngiting sabi ni Tyler bago hinalikan sa noo si Kaira.
Ilang minutong namayani ang katahimikan sa pagitan nina Kaira at Tyler habang magkayakap sila at nakahiga sa kanilang kama hanggang sa basagin ni Tyler ang katahimikang iyon.
"Hon, when I'm gone, I want you to be happy, please. You have to promise me. Promise me, okay? Hindi ka titigil hangga't hindi mo nahahanap iyong taong magpapasaya ulit sa'yo. You understand? Gusto kong matuto ka ulit ngumiti. Gusto kong mabuhay ka nang normal. Maging malaya ka magmahal ulit, Hon." sabi ni Tyler sa asawa na ikinatingin ni Kaira sa kanya at muling tumulo ang mga luha nito.
"Paano ako magiging masaya kung ang taong nagpapasaya sa akin ay iiwan na ako? Paano ako magmamahal ulit kung ang puso ko ay dala ng taong minamahal ko sa paglisan niya?... Hindi ako magiging masaya dahil ikaw lang ang nagpapasaya sa akin, Hon. Hindi ako magmamahal ulit dahil ikaw lang ang mahal ko, Hon. Wala ng iba. Ikaw lang, Hon." naluluhang sabi ni Kaira sa asawa kaya niyakap siya ni Tyler nang mahigpit.

CZYTASZ
The Doctor's True Love [COMPLETED]
General FictionHindi madali ang maging isang single mother. Hindi madali ang mamuhay ng mahirap lalo na at may tinataguyod kang anak. Mahirap ang mga responsibilidad na kinakaharap ang solong ina pero kailangan kayanin para sa anak niya. Itinaguyod ni KD Agravante...