Chapter 45: Her Reason to Love Again

281 3 0
                                    

Read at your own risk. Typography errors ahead. This chapter is not yet edited.

*****

Chapter 45: Her Reason To Love Again

"YOU did that?" hindi makapaniwalang sabi ni Azarious sa anak na si Aryanna na ikinaiyak nito.

"Hindi ko sinasadya iyon, Dad! Biglang tumakbo ang bata sa harap ng kotse ko! Hindi ko po sinasadya!" umiiyak na sabi ni Aryanna sa ama bago napabaling ng tingin kay Kaira na umiiyak na nakatingin sa kanya.

"Kaira, I'm sorry. Hindi ko sinasadya ang nangyari sa anak mo! I'm very very sorry!" umiiyak na sabi ni Aryanna bago muling napayuko at napahagulgol.

"Bakit mo tinakasan? Bakit hindi mo dinala sa hospital? Mapapatawad pa kita sa ginawa mo kung dinala mo sana sa hospital ang anak ko kung hindi mo nga sinasadya ang nangyari." umiiyak na tanong ni Kaira.

"Natakot ako. Natakot akong makita ako ng mga taong nakasaksi sa aksidente. I'm sorry, Ate. Gusto ko siya tulungan pero naduwag ako. Duwag ako, hindi ko kayang masira ang career ko bilang artista kapag nalaman nilang nakasagasa ako ng bata. I'm sorry, sana mapatawad mo ako, Ate."  umiiyak na sabi ni Aryanna kay Kaira bago napayuko at napahagulgol.

"Gusto kita ipakulong. Gusto kong pagbayaran mo ang ginawa mo sa anak ko." lumuluhang sabi ni Kaira na mabilis na ikinailing ni Aryana.

"Ate, huwag! Don't put me in jail. Kapapanganak ko lang kahapon. Kawawa ang baby ko kapag nakulong ako. Please! Don't put me in jail." napaiyak na sabi ni Aryanna na ikinatingin ni Kaira rito dahil sinabi nito.

"You gave birth yesterday?" napatigil sa pag-iyak na tanong ni Kaira kay Aryanna na napatango bago pinunasan ang basang mukha nito.

"Yes, that's why I am here at the hospital. I gave birth to a healthy baby girl." sabi ni Aryanna bago napatitig kay Kaira na napangiti kaya napakunot ang noo niya.

"W-Why are you smiling? 'Di ba, ipakulong mo ako at galit ka sa akin pero bakit nakangiti ka?" naguguluhang sabi ni Aryanna bago nanlaki ang mga mata nitong tumingin kay Kaira nang may naisip itong dahilan kung bakit nakangiti si Kaira.

"Don't tell me na kukunin mo ang anak ko bilang kabayaran sa nagawa ko sa'yo? Please, don't do that. Hindi ko kayang malayo sa anak ko." umiiling na sabi ni Aryanna kay Kaira.

"D*mn, gusto kita ipakulong, pero bakit nasasaktan ako kapag iniisip kong nasa loob ka ng malamig na rehas na iyon? Naaawa ako sa anak mo kapag ginawa ko iyon. Ayokong maranasan niyang mawalan ng ina katulad ko kaya sige, pinapatawad na kita kahit gaano pa kalaki ang kasalanan mo sa akin. Kahit mahirap maging mabait sa taong nakagawa ng kasalanan sa'yo." sabi ni Kaira bago napangiti na parang walang ginawang mabigat na kasalanan si Aryanna na ikinangiti ng lahat.

"Salamat. I'm sorry, hindi ko sinasadya ang nangyari kay Draven." umiiyak na sabi ni Aryanna dahil hindi niya inaasahan na patatawarin siya ni Kaira sa mabigat na kasalanan niya rito lalong-lalo na nalagay sa kapahamakan ang anak nito.

Kung siya ang nasa kalagayan ni Kaira, magagalit rin siya sa taong gumawa niyon sa anak niya. Hindi niya rin gugustuhin mawala ang anak niya dahil ito ang kayamanan na hindi matutumbasan ng kahit na anumang kayamanan.

Nagulat si Aryanna nang lumapit si Kaira sa kanya at niyakap siya. Napaluha siya dahil ramdam niya ang pagmamahal nito sa pamamagitan ng pagyakap nito sa kanya ng mahigpit na nakaka-guilty dahil mabait pala ito.

The Doctor's True Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon