Chapter 47: Right Person

251 1 0
                                    

Read at your own risk. Typography errors ahead. This chapter is not yet edited.

*****

Chapter 47: Right Person

"DON'T worry, Sir, I'll never hurt Kaira. Handa kong isakripisyo ang lahat para sa kanya, maging masaya lang siya at hindi masaktan. Hinding-hindi ko sasaktan ang asawa ko at hindi ko rin hahayaan masaktan siya dahil nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang nasasaktan. Importante siya sa akin dahil mahal ko siya. Mahal na mahal ko po ang anak n'yo, Sir." mahabang pahayag ni Tyler sa ama ni Kaira na si Azarious bago napatingin sa asawang si Kaira na naluluhang napangiti sa kanya at nag-okay sign.

Napangiti si Azarious nang maramdaman ang sensiridad sa mga sinabi ni Tyler para sa anak niyang si Kaira at nang makita niya kung paano nito tignan ang anak.

"Magaling ka sumagot at hindi ako nagtataka kung paano mo napasagot si Kaira noong nililigawan mo siya. Welcome to our family, Tyler. You can also call me Papa if you're comfortable." nakangiting sabi ni Azarious sa asawa ni Kaira na si Tyler.

"How many years have you and my ate been in a relationship?" tanong ni Aryanna na ngayon lang umimik at nakamasid sa pag-uusap o nangyayari sa loob ng silid na iyon.

Napatingin si Tyler sa babaeng nagtanong na nakaupo sa kama. Napangiti siya nang makilala ito dahil nakatrabaho ito ng panganay niyang anak na si Bree sa isang pelikula o teleserye.

"We have been together since the day she turned in legal age. And we've been married for five years now." sabi ni Tyler na ikinatango ni Aryanna bago napatango.

"Uy! Mali, Hon. Four years married pa lang tayo, huwag kang ano." singit ni Kaira na ikinatingin ni Tyler dito bago napangisi.

"Five years na, mag-a-anniversary na tayo sa susunod na dalawang linggo." nakangising sabi ni Tyler sa asawa.

"Hindi counted iyon dahil hindi pa nangyayari." sabi ni Kaira bago nag-iwas ng tingin kay Tyler at napatingin sa kaliwang kamay kung saan ang palasingsingan niya ay may nakasuot na dalawang singsing.

Ang isa ay engagement ring kung saan binigay iyon ni Tyler sa kanya noong nag-propose ito sa kanya noong kaarawan niya limang taon na ang nakakaraan at ang isa pa ay wedding ring kung saan binigay iyon ni Tyler sa kanya noong kasal nila dalawang linggo matapos ang proposal nito nang taong iyon.

"Counted na iyon." sabi ni Tyler bago nilapitan ang asawa at niyakap ito.

"Hindi na counted iyon kapag hiniwalayan kita bago dumating ang araw na iyon." sabi ni Kaira na ikinatingin ni Tyler sa asawa ng matalim habang yakap niya ito.

"At may balak ka pang hiwalayan ako, ha?" sabi ni Tyler na ikinatawa ni Kaira.

"Biro lang, Hon. Wala akong balak na hiwalayan ang lalaking mahal ako at mahal ko." nakangiting sabi ni Kaira bago dinampian ng halik ang labi ng asawa na ikinangiti ni Tyler

"Sweet n'yo. Sana ganyan rin katagal ang pagsasama namin ni Geovan o habambuhay na kasi gusto ko siya na ang huling mamahalin ko." sabi ni Aryanna habang nakatingin kay Kaira at sa asawa nito. Napatingin si Kaira sa kapatid na nakatingin sa kanya.

"Kung mahal ninyo ang isa't isa, magtatagal kayo kahit marami mang dumaang pagsubok sa inyong dalawa. At hindi rin nakabase sa tagal ng relasyon para masabi kung para sa'yo ang isang tao." nakangiting sabi ni Kaira.

"Mahal ko si Geovan, Ate. At naniniwala ako na siya ang lalaking nakatadhana sa akin na makakasama ko habambuhay. Ayoko na ulit masaktan kaya sumugal ako sa taong mahal ako para hindi na ako masaktan pa ulit kasi madali lang magmahal ng taong mahal ka." sabi ni Aryanna na ikinangiti ni Kaira.

The Doctor's True Love [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora