Chapter 12 : Theme Song

209 5 0
                                    

Nang makarating na nga kami kina Harvey nag chill agad kami.Busy sila kaka jam , Si Harvey kumakanta habang nag dru-drums si Luke naman nag gigitara habang kumakanta si Ralph naman nag pia-piano siya .Ang talented naman ng mga taong to. Kami ni Krystl puro chika naman kami.



" Back to work guys ! " sabi ko ng mapansin kong parang nakalimotan na nilang kaya kami nandito kasi may kailangan kaming gawin.



Wala tayo dito para mag chill chill lang ano ! work work tayo. Agad kaming lumipat ng pwesto pumunta kami sa parang rooftop nila Harvey para mas presko. Naka ready na nga din yung guitara na gagamitin at laptop na din kung saan e ty-type yung lyrics para mas madaling ma edit kung sakaling may changes



Agad namang pina dinig samin ng boys kung anong naisip nilang magiging posibleng tono ng song. Buti naman at may naisip na sila lyrics nalang talaga kulang



" Naisip ko to kanina eh " Sabi ni Harvey



" Ano yan ? " Agad na tanong namin sa kanya



" E type mo agad tal ha " Agad kong sabi kay Krystl



" Didnt think We'd be here right now
Looking at each other in the eyes " Sabi niya habang parang kinakanta niya yung naisip niyang lyrics ng kanta. Wow ang ganda



" E sunod naman nating lyrics is parang contradicting sa lyrics na yan " Sabi ko ..



'" Yes pwede " Sagot naman agad ni Harvey



" I always thought We'd stay between the radiowaves , Never seeing each others face " Suggest ko. Agad naman naming pinag dugtong yung idea ko at idea ni Harvey . Na amaze kami kasi sumakto sa napili nilang melody



" Wow may first Stanza na agad tayo " Natutuwang sabi ni Luke



" Ang galing niyo iba talaga nagagawa ng pag ibig " Singit naman ni Ralph. Atake naman nito !! Pag-ibig agad ?



" Sorry guys wala talaga akong maisip " Nahihiyang Sabi ni Krystl



" Its okay Tal " Agad ko namang sabi sa kanya. Hindi naman din kasi madaling mag sulat ng kanta kahit nga mag sulat ng message eh pahiran pa ito pa kaya



" And then you say .. Look at us now
Let me hold your head now " Dagdag pa ni Luke

With YouWhere stories live. Discover now