Hindi ako nakatulog buong gabie dahil nga sa letter na bigay ni Harvey.
Mahal niya nako ?
Oo masayang masaya ako , kilig na kilig ako
maiya-iyak nga ako habang binabasa yun. Mga 8 hours ko ding tinitigan yung letter be , ay si Oa
pero gulong gulo ako ! Okay mahal niya nako .. so tapos ? ano na mangyayari ?
Yun lang naman kasi yung laman ng letter , wala namang nakalagay doon na manliligaw na siya o kung ano mang plan niya.
Kailangan ko bang sumagot sa message niya ?
Nababaliw nako ano ba naman to ! jusq
Mas lalo pa ata akong mababaliw nang biglang may kumatok ang aga aga naman 7 am palang ha , wala pakong tulog tapos may bisita na ay grabe naman .
Agad ko nang tinignan sa hole ng pinto kung sino , agad akong napatakip ng bibig ko nang makita ko na kung sino yung kumakatok ng sobrang aga
Anong ginagawa niya dito ?
" Wait lang " sigaw ko ewan ko lang kung narinig niya ko
Mabuti naman at di makalat unit ko !
Agad ko agad ko nang kinabit nipple tape ko jusq di ko alam ano gagawin ko inayos ko muna itsura ko bago ko binuksan yung pinto
" Hi good morning " Nakangiting bati ni Harvey
oo si Harvey mga anteh !!
" Good morning " sagot ko naman sa kanya pangiti-ngiti lang ako pero tense na tense ako
Nag besohan agad kaming dalawa
" Breakfast ? " sabi naman ni Harvey sabay pakita nung dala niyang pagkain
" Sure pasok ka ! " sabi ko sa kanya
" Ahm pwedeng sa cafe nalang sa baba ? wala si kuya Matt eh di ko kasama " Nag-aalangang sabi ni Harvey natatawa ako kasi ayaw niya talagang pumasok dito kung siya lang mag isa
" Pwedeng dito nalang ? " tanong ko sa kanya
" hmmmmmnnnn " nag iisip pa siya mejo kumukunot pa noo niya
" Dont worry harmless naman ako , wala akong gagawin sayo " biro kong sabi sa kanya , tumango naman siya habang tumatawa
" I will just stay here " sabi niya at agad na siyang umupo sa may lamesa at agad na niyang nilapag mga dala niya
Nang mapirme na nga siya dun pasimple agad akong pumasok sa banyo inamoy amoy ko sarili ko at bunganga ko, baka naman kasi ang baho ko na dba . nakakahiya.
Well okay naman , mabango naman
Ayoko namang magpabango no mapaghahalataan tayo .
Pag labas ko nga ng banyo eh nasa sink na si Harvey nag titimpla ng kape para sa aming dalawa
" Bahay mo ? " biro ko at agad akong tumabi sa pwesto niya natawa naman agad siya
" Sorry , gusto lang kitang e-pag timpla ng kape " nakangiting niyang sabi
" Ang sweet mo naman ! " nakangiti ko ding sabi sa kanya
Napansin ko namang agad siyang napatitig sakin , agad naman akong napataas nang kilay ko
" You're more beautiful pag bagong gising " Biglang hirit ni Harvey
" Lier ka talaga , nilalaro mo lang ako " kinikilig na sabi ko
" Totoo nga ! " Diin pa niya
" Wala lang to ako lang to maganda na talaga ako inborn natong ganda ko " pagmamayabang ko sa kanya at nagpa cute agad ako
![](https://img.wattpad.com/cover/362106212-288-k145381.jpg)
YOU ARE READING
With You
RomanceFrom being strangers to Friends and now unexpectedly they are now a love team. How will their love team change their lives ? Let us all find out Here's ... WITH YOU by Chocolenay Disclaimer: There are some parts of this story that really happene...