Chapter 23 : Labyrinth

205 6 2
                                    

Finally today na nga ang pinakahinihintay naming Media Conference super excited nako sa ganap mamaya .

But before Media Con. May guesting muna kami sa Magandang buhay kaya by 5 am palang nagising nako.

Maaga nga ako nagising para maka pag exercise naman, hindi porket masaya puso natin eh healthy na po tayo, galaw galaw din po tayo opo.

Di ko naman talaga ginagawa to pero gusto ko lang gawin to ngayon para flat talaga tiyan ko mamaya kaya todo planking atake ko.

Tinigil ko din nang mapagod nako niloloko ko lang sarili ko.

After ngang mag exercise eh nag luto na agad ako ng breakfast. Scrambled egg lang naman tyaka hotdog di na muna ako magkakanin ngayon para pak na pak tiyan ko mamaya.

Agad nakong naupo sa may lamesa para maka kain na .

" Hi Harvv " Nakangiting Sabi ko agad nang tumawag si Harvey

" Good morning " Nakangiting Bati naman niya

" Kumain ka na ? " Tanong ko sa kanya

" Yes Im done na , Are you eating right now ? " Tanong din naman niya

" Of course " Pagmamayabang ko sa kanya agad ko namang ebinida mga niluto ko sa kanya

Kung maka bida naman ako sa niluto ko, kala mo naman talaga yung niluto eh mahirap talaga, prinito lang naman sila

" Thats good . Im happy the old Criza is dead " Tawag tawa naman ako sa sinabi niya

" Kaka taylor swift mo yan " Kantyaw ko sa kanya

" Ikaw ba naman may playlist nang Taylor Swift Song sa kotse " Natatawang sabi ni Harvey

Hindi ko din naman in-expect na gagawin niya yun syempre diba di naman swiftie yun pero ginawa niya padin kasi yung lover niyang OA eh swiftie .

Sa twing sinusundo niya ko taylor swift song na pinapatugtog niya pati nga si Kuya Matt napapakanta na.

Andami nading alam ni Harvey na song ni mother taylor.

Si Rockstar naging swiftie , Ang cute

" Anong favorite mong song ni Taylor ? " Tanong ko sa kanya

" Hmmmmnnn " Nag iisip pa siya

" Aside from Lover ..

Labyrinth " Nakangiting sagot niya

Gulat naman ako kasi napaka kalma nong Labyrinth kala ko yung favorite niya is yung kanta ni TS na mejo mga upbeat.

" Why Labyrinth ? " Tinanong ko na siya

" I'll tell you later after media con. " Sagot naman niya nambintin pa nga siya

Agad na nga akong nag ayos after naming mag usap dalawa , Ako na nag make up sarili ko . medyo extra ang atake nang make up natin today. Yung susuotin ko naman eh nasa stylist ko na at magkikita nalang kami doon sa ABS.

Syempre naman sinundo na naman tayo ni San Pedro

" Are you excited ? " tanong niya nang maka byahe na kami

" Of course " nakangiting sagot ko naman agad sa kanya

" but Im quite nervous " dagdag ko pa

" Why ? " agad namang tanong niya

" Baka kasi mag tanong sila nang kung ano ano madulas tung bibig ko " natatawang sagot ko sa kanya

" Its okay Im with you , I will catch you " Nakangiting sabi nito , ito na naman po siya nagpapa kilig na naman siya

With YouWhere stories live. Discover now