Chapter 39 : Biggest Fan

181 3 13
                                    

Nagising na nga ako dahil ramdam ko na sakit ng ulo ko , ayaw pang bumuka ng mga mata ko , Saan kaya ako ??

Huling naaalala ko e dinala ako ni Lover sa kwarto , luh nasa kwarto ba talaga niya ko ? hiniga ba talaga ako sa kama nito ? Katabi ko ba siya dito ?

Pinilit ko na ngang ibuka mga mata ko ng masagot ko na mga tanong ko, pag bukas ko ng mata ko yung ceiling agad nakita ko ay confirmed nasa hotel room pa nga niya ko , at kita ko naman sarili kong naka higa pa ako sa kama nito .

Pag tingin ko sa gilid ko , kita ko agad siyang balot na balot ng kumot , Luh dito siya natulog ? tinabihan niya ko ? hoy !!

Dahan dahan akong umupo sa kama , dinahan-dahan ko galaw ko ayokong magising ko siya

Agad naman akong napa check sa sarili ko , Buo pa naman ako , okay naman damit ko , Dalagang Pilipina padin ako.

Natatawa pako sa sarili ko bakit pa ko nag che-check sa sarili eh alam ko namang walang gagawin sa akin yung boyfriend ko . ang oa ko !

Agad naman akong natigilan ng biglang gumalaw si Harvey , dahan dahan na siyang kumakawala sa pagkakabalot niya sa kumot niya

" ATEEEEEEEEEE?? " Gulat na gulat ako di pala si Harvey katabi ko, si ate kasama ko !!

Gulat naman siya sa sigaw ko agad naman siyang napabangon mula sa pagkaka higa nito

" Saan si Harvey ? ' agad na tanong ko

" Jusq kanina pa umalis for sure nasa Baguio na siya ngayon , Ala una na hoy !! " agad na sabi ni ate

Oo nga pala may taping siya ngayon sa Baguio for Sagrado .

Ala una na pala ? grabe pala tulog ko ah , yung gising ko talaga pag nalalasing ako lageng ala una , parang naka factory default gising ko , sobrang late na jusq

" Kailan ka pa andito ? " tanong ko sa kanya

" Kaninang umaga lang bago siya umalis tinawagan niya ko kung pwede akong pumunta dito , dala dala ko na nga mga gamit mo di mo na need pang bumalik dun sa room mo , dala ko nadin mga gamit ko dito " sabi naman nito

" Thank you dear " agad na sabi ko

" Mag asikaso ka na , may 2 hours nalang tayo dito " sabi pa nito

Agad na nga akong napabangon at agad kong chineck phone ko .

" Hi lover . Goodmorning kahit sure naman ako na tanghali mo na mababasa to good morning padin . I didnt wake you up I dont want to disturb you ,papunta nakong Baguio for taping , I prepared meds for yung nasa dining table and also I bought soup for you to ease your hangover , initin mo nalang ulit ha , I love you so much lover 🤍😘" mahabang message galing kay Lover ko ,

Ang sweet talaga nito , alagang alaga ako .

Para namang humiwalay kaluluwa ko sa katawan ko ng maalala kong di ko na remove make up ko .

" Ate san dito yung mga gamit ko ? " tanong ko

" Anong hinahanap mo ? " tanong naman ni ate ko

" Yung make up remover ko , di ko natanggal make up ko " nag-aalalang sabi ko

" ha ? parang wala ka namang make up sa mukha mo " nagugulohang sabi nito " lasing ka di mo lang siguro naalalang binura mo " dagdag pa nito

" Pinagsasabi mo , di ko binura make up ko " angal ko

" Tignan mo kaya mukha mo sa salamin ng makita mo " Diin naman nito

Agad nakong pumunta sa sala at tinignan ko sarili ko dun sa full length mirror . Luh wala na nga akong make up sa mukha ko , di ko naman naalalang binura ko jusq

With YouWhere stories live. Discover now