Chapter 44 : Much Better

192 1 0
                                    

Nang matapos nga ang sunrise eh agad na kaming bumalik dun sa house kung saan kami nag sta-stay . Nang makarating na nga kami doon eh dumating nadin pala sila ate galing silang Party.

Agad ko namang silang pinakilala kay Harvey . Tuwang tuwa naman sila ng makita nila si Lover gaya nga ng iba eh crush din nila ito nung nasa going bulilit palang ito.

" Iwan muna namin kayo ha Sleep muna kami " Paalam ni Soph ,halata naman sa itsura niya na mejo nalasing siya ganun din naman sina Charles , Benjie at Anshel.

Agad na nga silang pumasok sa kwarto at kami naman nina ate at Harvey nasa sala lang kami .

" Good job ka Harvey ha " Masayang sabi ni ate sa kanya

" Gulat ka ba dear ? " Tanong naman niya

" oo ate , gulat na gulat ako sobra, laro kayo !! " Masayang sagot ko din sa kanya

" Thank you talaga !! " Sabi naman ni Harvey kay ate

" Ano ka ba wala yun basta para sa ikaka-saya ni Criza , game ako " Mejo na touch ako sa sinabi nito kaya napayakap agad ako .

" Oh sya tutulog muna me " Sabi pa ni ate at agad na siyang pumasok sa kwarto para maka tulog na.

" Anong gusto mong breakfast? " Tanong naman ni Harvey

" Hmmmmnn " nag isip agad ako " Ito " turo ko sa labi niya at hinalikan ko agad siya , tuwang tuwa naman siya

" Quotang quota ka na Criza Joy Taa !! " Tawang tawa naman ako sa sinabi niya

" Sige na !! anong ulam? name it , I'll make it for you " Wow ang sweet naman nito

" Ramen " Nakangiting sabi ko .

" Ramen for breakfast ? " Mejo nagdadalawang isip pa siya kung seryoso ba ako sa sinabi ko

" why not?? I want ramen !! " Diin ko

" Okay your wish is my command " Sabi pa nito at agad siyang humalik sa kamay ko

Agad na din kaming pumunta sa pinakamalapit na palengke . Ilang besis na ding nakapunta si Harvey sa elyu kaya mejo kabisado na niya mga places dito.

Hindi na para umeksena pa sa palengke kaya nag mask , cap at shades narin kami. Baka mamaya nito viral na kami nito mawindang pa kayo , magkagulo na naman kayo , charot !!

Nag tricycle lang kami ni Harvey at nang makarating nga kami sa palengke eh mala chef agad atake niya alam na alam na niya kung anong mga kailangan niyang rekados para sa lulutuin niya.

Habang busy naman siya kakapamalengke nagpaalam muna ako saglit dahil may mga bibilhin din ako. Hindi lang kasi siya palengke lang madami ka ding mabibilhan dito ng mga kung ano-ano parang tyanggi na rin dito .

May plano nga akong gagawin namin later kaya bumili ako ng maliit na canvas at glue. Pag balik ko nga sa kanya eh may dala dala na siyang dalawang jacket . Isang white at isang black ang kulay .

" Choose one " Sabi niya

" The white one " Sabi ko naman agad sa kanya

" Okay akin yung black "Agad din namang sabi ni Harvey . Luh may couples jacket na kami !!!

Andami niyang pinamalengke hindi ko na tinanong kung ano ano nga yung mga pinamili niya basta sobrang dami nila. Hindi naman kami nag tagal sa palengke nakabalik naman agad kami . Pagkabalik nga namin eh deritso na agad kami sa kusina para agad na makapag luto na .Syempre todo help naman ako kay Chef Harvey, hindi tayo sitting pretty dito dapat mala asawa ang atake , eme. Gwapong gwapo naman ako sa kanya sa twing seryosong seryoso mukha niya sa niluluto niya .

With YouWhere stories live. Discover now