Bago nga ako aalis pa HK madami muna akong mga inasikasong mga trabaho .
Bukod nga sa trabaho eh dapat ko na din maibigay ang mga regalo para sa Pamilya at friends ko
Pano ko mabibigay eh mga ate ko di pako nakakabili
Busy na ulit si Lover hoy ang feeling .. I mean si Harvey busy na siya ulit sa taping kaya di niya ko masasamahan bumili.
Si ate naman busy din kaka promote sa upcoming movie nila
Si Onie naman di ko na inaya kasi baka mag selos na naman yung isa eme yung totoo busy din kasi siya kaya di ko na naisipan pang yayain siya
Paalis na nga akong papuntang mall ng bigla kong nakita si Onie si Lobby
" Hoy Darling anong ginagawa mo dito ? " Agad na tanong ko
Nagulat ako wala naman kaming napag usapang magkikita kami nito
" Nag message sakin si Harvey kung pwede badaw na samahan kita ? " Sagot niya
Ha ? He did what ?
" Totoo ba ? " Paninigurado ko sa kanya
" Oo nga " At agad niyang pinakita sakin message sa kanya ni Harvey
" Good day Onie , Are busy today ? I have work kasi pwede mo bang samahan si Criza ngayon sa mall ? "
" Naniniwala ka na ? Bat kasi di moko inaya ? " Tanong niya
" Alam ko din namang busy ka ! " Sagot ko sa kanya
Gulat na gulat padin ako sa ginawa ni Harvey , He's jealous to Onie right ?
Hindi na niya inisip yung selos this time ang importante may kasama ako
Hoy grabe talaga tong taong to
Agad na nga kaming bumayahe pa mall . Nag commute lang kami iwas traffic at para mas mabilis ang byahe
Agad na nga kaming namili ng mga gifts para sa pamilya ko , mga kapatid ko at sa mga friends ko .
Sobrang na appreciate ko naman si Onie na sinamahan niya ko ang taas din ng pasensiya nitong taong to nakakapagod kaya mag hanap ng regalo . Ginawa ko pa siyang taga bitbit ng mga kung ano-anong pinamili ko .
Nang matapos nga kami kumain muna kami at agad na kaming dumeritso sa condo nang atake ko
Binigay ko na agad mga gifts ko sa kanila , kay ate ko swarovski na necklace naman , kay Allec shirt at para kay Onie naman eh ang pinapangarap niyang Apple Airpods Max
Sobrang saya naman ni ate sa regalo ko sa kanya di na niya inexpect na magbibigay pako kasi nagbigay nako nang gift sa kanya nung birthday niya.
" Daming pera Criza ah nag regalo pa talaga " Sabi ni ate ko habang niyayakap niya ako
" Syempre ate mahal na mahal kita " Agad ko namang sagot sa kanya
Si Allec din naman na appreciate niya din gift ko sa kanya kahit shirt lang yun . Pero tawang tawa siya sa gift ko sa kanya
" Ang ganda ko naman diyan bagay sayo yan " Agad na sabi ni Ate ng pinakita ko na gift ko sa jowa niya
Nilaro ko lang si Allec binigyan ko ng shirt na may puro mukha ni Ate
Dba bongga ?
Agad namang sinuot ni Allec tuwang tuwa din siya , nagustohan naman niya.
" Darling ang mahal nito " Naiiyak naman na sabi ni Onie
" Ay si OA umiiyak , Its okay Darling inisang bagsak ko nalang gift ko sayo kasi Aalis ka na " Sagot ko sa kanya
Yumakap din kaagad siya
YOU ARE READING
With You
RomanceFrom being strangers to Friends and now unexpectedly they are now a love team. How will their love team change their lives ? Let us all find out Here's ... WITH YOU by Chocolenay Disclaimer: There are some parts of this story that really happene...