Chapter 19 : Lover

185 6 6
                                    

Ito na nga ang pinakahihintay ng Criznie Fans na mag 24 hours jowa challenge kami ni Onie . 5 am palang pumunta na sa condo ko si Onie para ma start na namin yung challenge nang super aga palang

I dont really mind being alone with Onie anymore not only because were bestfriends but also because mapagkakatiwalaan siya , mabuti siyang tao at merong respeto.

We started the challenge by cooking breakfast . Mejo sweet couple kunware ang atake . Nag luto lang kami ng pancake , hotdog and bacon .

And we choose na our endearment would be "Love "

Parang mag jowa talaga ang atake namin dalawa .

Well were really sweet naman talaga in real life but its kinda awkward pala kung finifilm.

Yes its a challenge but for us its our bonding time -- quality time

Lalo nat malapit nading umalis itong tao na to

Pagkatapos naming kumain nag ayos na agad kami para pumuntang mall para doon kunware mag date .

Nang makarating kami sa mall nag window shopping lang kami wala talaga kaming binili , Parang nilalaro lang namin yunb mga naka display doon na mga house interior at decor.

Nag picture din kami sa photobooth , nag arcade kami tapos nag skating kami kasama na namin sina ate ko Esnyr at iba pa naming friends.

Napaka hirap pala mag skates .

Were not really alone together the whole time dahil may videographer at mga ate ko secret lang natin to in between takes magka VC kami ni Harvey.

May Jowa pero may ibang ka VC ? hahahah

As you can see Onie and I are really comfortable sa isat-isa because our feelings to each other is very pure and We really see each other as bestfriends lang talaga at magkapatid nadin ang turingan namin sa isat-isa , wala ng iba.

Pinaka huli nga naming gagawin eh mag didinner kami dinala niya ko sa paborito niyang resto . Kasama padin namin sila ate ko pero nasa ibang table sila para di sila makita sa camera

Romantic date night kunyare atake naming dalawa. May salad , stake at carbonara. At may pakandi-kandila pa

Akala mo naman mag jowa talaga .

Nagkaroon lang kami ng heart to heart talk dalawa. Napag usapan lang namin kung gaano kami ka grateful na nag meet yung landas naming dalawa

Isa din talaga sa rason kung bakit sobrang close at mahalaga kami sa isat-isa eh noong time na nawala lola ko yun yung time na na meet ko siya at isa siya sa mga taong karamay ko nun . Isa siya sa mga taong nagsalba sakin noon. Lost din siya nung mga panahong nun . Kumbaga we saved each other talaga.

Mahal na mahal ko yang bestfriend ko na yan . Im just super grateful na nakilala ko siya . At ngayon na aalis na siya syempre malulungkot ako pero masayang masaya ako na ma-aachieve na niya mga pangarap niya.

Pagkatapos nga ng pa dinner e dumeritso na agad kami kina Esnyr para doon na ipag patuloy ang challenge kasi basically dapat bukas pa nang morning matatapos tong jowaan nato .

" Na kina Esnyr na po kami " Sabi ko kay Harvey habang nag ski-skincare ako sa banyo

" How was it , Nag enjoy ka ba ? " tanong niya

" Its fun naman .." Kwenento ko sa kanya yung mga nangyari nung nag skates kami

" Lets do that again next time " Sabi naman niya matapos kong e kwento sa kanya kung gaano ako kasaya nung ma experience ko yun

With YouWhere stories live. Discover now