10 pm na nga and its time to go home na . Kami lang ni ate at Harvey ang uuwi , yung ibang kasama namin eh sa makalawa pa uwi nila . Nang dumating na nga sasakyan namin pa manila eh agad na kaming nagpaalam sa kanila .
Halos mabali naman leeg ko kakatanaw sa dagat ng paulit-ulit " its okay babalik naman tayo dito" sabi naman ng boyfiend ko . Napa buntong hininga nalang ako at agad ko ng dinala mga gamit ko .
Nasa sasakyan na nga kami . Nasa likod kami ni Harvey habang si ate naman eh passenger princess naman ang atake.
" Whats your favorite part of this trip ? " tanong bigla ni Harvey nang bumabyahe na kami
" Thats a good question ha, ano nga ba ? " nag-iisip pako kung ano bang isasagot ko sa kanya
" Probably nung dumating ka .. sobrang unexpected kasi nun , sobrang saya ko nun " nakangiting sagot ko naman sa kanya " How about you ? " tanong ko din naman sa kanya , napaisip kaagad siya
" Syempre yung cuddle natin kagabi " nakangiting bulong naman ni Harvey . Luh bet na bet niya eh !!
" Bakit yun ? " tanong ko sa kanya
" Humilik ka kasi " nakangising sagot niya
" Excuse me ? ako himilihik ? " bara ko agad siya
" nilalaro lang kita " natatawang sabi niya
" Well the cuddle part is my favorite , pero may pinaka favorite pako " sabi nito
" Ano ? " agad na tanong ko
" Favorite part ko is yung nakikita kong masaya ka sa mga ginagawa ko for you " sinserong sabi nito at agad niyang hinawakan kamay ko
" Ang oa mo !! " sabi ko " syempre masayang masaya ako sa lahat ng efforts mo . I am super duper mega over grateful for you " sinserong sabi ko at agad akong humalik sa pinsgi nito
Madami pa kaming napagkwentohan hanggang sa inantok na kami . Nakasandal lang ako sa balikat ni Harvey buong byahe , nakatulog kami pareho sa byahe . Hanggang sa di na namin namalayang nasa Manila na pala kami .
Una ngang dumaan yung sinsakyan namin sa condo ni ate , sunod naman eh sa unit ko . Hinatid pa nga ako mismo ni harvey sa unit ko .
" Lets see each other again sa monthsary natin , okay ? " sabi ni Harvey ng nasa harap na kami ng unit ko . tumango agad ako . Bago nga siya tuluyang umalis eh niyakap at hinalikan niya muna ako . Kala mo naman talaga matagal ulit magkikita sa sobrang higpit ng pagkakayakap niya.
2 am na nga ng makauwi kami galing elyu. Di ako makatulog na se-sepanx parin ako. Imbis na matulog e panay ako tanaw sa mga pictures namin sa elyu. Paulit-ulit lang ako .
![](https://img.wattpad.com/cover/362106212-288-k145381.jpg)
YOU ARE READING
With You
RomanceFrom being strangers to Friends and now unexpectedly they are now a love team. How will their love team change their lives ? Let us all find out Here's ... WITH YOU by Chocolenay Disclaimer: There are some parts of this story that really happene...