Chapter 47 : Begin Again

186 2 17
                                    

Isang linggo na nga ang nakalipas mag mula noong naganap na story con . At ganun nadin katagal na hindi ko nakita si Harvey at wala din akong kahit anong balita tungkol sa kanya.



Nag message ba siya after story con ? Hindi . Nag hintay ba ako ? aba oo . Mejo umasa akong mag memessage siya kasi friends na kami ulit diba ? Pero isang linggo na ang nakalipas wala talaga .




Never ko siya blinock hindi ko din sa siya ni restrict at ganun din siya sakin patigasan nalang talaga ang puso. Feeling ko nag hihintayan lang din kami kung sinong maunang mag message, ay si feeler naman .



Iilang party nadin ang nangyari at kahit ni isa never umattend si Harvey ganun siya ka busy. Maski sa social media nga niya eh sobrang tahimik din niya . Tang iner naman miss na miss ko na siya.



Super sorry talaga sa mga manok nababasa ko mga hinaing niyo mga mahal tuyot na tuyot na kayo dahil ilang weeks na walang ayuda . wag mag alala kasi same di kayo nag-iisa. Drought season malala !



Kakauwi ko lang din ngayon sa condo ko . Dinate ko sarili ko . Nagpa facial ako , nagpa nails ako at nag hotpot ako mag-isa . Si Ms. Independent nga siya .


Nang matapos nga ako sa mga ritwal ko sa buhay eh agad nakong humiga sa kama at panay lang ako check sa social media hanggang sa nag appear bigla sa notification ko pangalan ni Harvey kinabahan agad ako parang tumigil mundo ko luh si oa . Takte bokya notification pala ng broadcast channel niya kala ko naman pm na niya .


Agad naman akong napunta sa broadcast channel niya. Para namang may kumurot sa puso ko ng mabasa ko na pinost niya.



hey guys! ...

i know its been awhile since my last update, been busy recently

but also ive been going thru really bad anxiety for a number of reasons

but also ive been going thru really bad anxiety for a number of reasons

im not really at 100% rn, so ive been taking some time off of socmed-- which explains why ive been so quiet haha

cant really give you a timetable for when ill be back up on my feet at 100% but ill try to take it slow going forward

hope you guys can get some rest too 🤍

miss u guys ..


Hindi ko naman mapigilan sarili kong hindi maiyak sa pinost niya. " Im sorry lover " sabi ko pa . Aminin ko malaki yung part ko kung ano mang pinagdadaanan niya ngayon. How I wish I can hug him right now.

I wanna message him so badly and I want him to feel na he is loved so I came up with an idea na I will react to his post instead of using reaction emojis I will use letters .


It started with letter "I" hangang sa sunod sunod na yung mga letters na " L O V E Y O U " Hanggang sa nakita kong madami ng sumundo sa ginawa ko . Maraming kaming nagmamahal sa kanya sana eh maging okay na siya.


Grabe din naman tong mga manok ayaw din pakabog puro din sila react ng C R I Z A at C R I Z V E Y

Late na nga at imbis matulog na eh hindi ako matahimik kakaisip kay Harvey. I want to do something na sana man lang eh makahelp na maging okay siya .


With YouKde žijí příběhy. Začni objevovat