Chapter 2

412 11 2
                                    

"Lee, tara labas na sabi tayo."

Napatingin ako ngayon kay Nami na busangot ang muka at board na board. Kanina pa siya ganyan, pinipilit ako na lumabas kami pero ayaw ko talaga.

"Bukas nalang sabi..." I murmured.

She sighed heavily. "Hindi ka ba napapagod ka kaka-crochet mo?"

"Hindi. I told you 'di ba na kaylangan ko 'to taposin ngayon kasi bukas na 'to kukunin sa akin,"

Saka malapit narin naman 'to matapos, kunti nalang. May nag pagawa kasi sa akin nang crochet shoulder bag. Noong nakaraan ko pa i
'to sinimulan at ngayon ko lang tataposin kasi sobrang naging busy ako lately. After this may nag pagawa pa sa akin nang bouquet of tulips and lavender ulit.

Saka I need money. Kung hindi ako tatanggap ng orders ay wala akong pera. Binibigyan naman ako ni Tita Abegail pero ginagastos ko 'yon sa transportation fee at pagkain ko lalo pa at nag aapartment ako kasama si Nami.

Kahit pa ang Mommy ni Nami ang nag babayad nitong unit na tinitirhan ko kasama siya at hindi pinag babayad. Ayaw ko naman maging pabigat kahit ako nalang bumili ng groceries namin.

Ayaw ko naman umasa lagi. Para may pang baon ako ay nag sisikap talaga ako kumita ng pera. Mabuti na nga lang ay scholar ako. Sa binibigay sa akin ni Tita Abegail na pera may natitira pa naman talaga pero iniipon ko 'yon for future purposes.

Hindi naman sana ako dapat tatangap sa kanya ng pera kasi maliit lang naman na bagay ang ginagawa ko sa bahay nila tuwing weekend pero nag pupumilit talaga siya kaya no choice na ako kundi tanggapin ang inaabot niya sa akin na pera.

"Kahit sabihin kong e lilibre kita?"

I chuckled a little. "Kahit na e lilibre mo pa ako, Nami. Bukas nalang sabi kasi after ko nito ay may tataposin pa ako na power point."

Tumayo siya. "Eh, gusto kong kumain ngayon sa labas kasi lagi nalang tayong kumakain ng gulay dito sa apartment. Kunti nalang talaga tutuboan na tayo pareho ng dahon!" reklamo niya.

I rolled my eyes. "Vegetables are healthy."

"Vegetables are healthy..." she even mimicked me. "Dzuh, I know, but I want to eat something better than that now."

"Bukas na nga lang kasi, tiisin mo muna 'yong gulay ngayon."

Bigla siyang may naisip kaya kinabahan na agad ako. Naka pamiwang pa siya ngayon sa harap ko sa ngumisi. "Try mo kaya kumatok sa unit ni Sky tapos mag tanong ka kung ano ang ulam niya?"

"What?! Ayaw ko nga!" I hissed.

Kasi naman ang unit namin at 'yong kay Sky ay magka tabi lang talaga. Sobrang lapit lang namin. Iisa na nga kami ng bahay tapos mag katabi pa kami ng apartment, at same ng school pa kami pumapasok. Para bang pabor talaga ang kapalaran sa akin.

"Sige na..." pag pupumilit niya sa akin. Pero umiling-iling ako.

"Ayoko."

"Tawagan mo kaya tapos ako na ang kakausap." sabi niya saka ngumisi ng malapad.

"Baka wala siya diyan kasi nakita ko siya kanina busy." I reasoned it out.

Pero totoo, nakita ko siya kanina kasama 'yong mga kaklase niya. Mukang sobrang busy nila. Hindi niya nga ako kinakausap at pinapansin kahit na nakita niya naman ako. Para namang hindi pa ako sanay na ganyan siya lagi sa tuwing nag kikita kami sa school.

"Hmp! Ako na nga lang ang tatawag!" saka nag dabog pa siya, natawa nalang ako.

Umalis si Nami sa harap ko saka pumasok sa kwarto. Pag balik niya hawak na niya ang phone niya saka may kinalikot.

Through the Daylight Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum